Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga Print at Broadcast Media sa Davao City bumisita sa Asik-Asik Spring Falls

(Alamada, North Cotabato/ October 23, 2012) ---Binisita ng mga Print at Broadcast Media mula sa
Davao City ang Asik-Asik Spring Falls sa Sitio Dulao Brgy Dado Alamada North Cotabato, namangha ang mga mamahayag sa nakita nilang taglay na ganda at hugis ng tinaguring’most beautiful Falls in South East Asia na matatagpuan sa lalawigan ng Cotabato.

Taos pusong nagpapasalamat naman si Cotabato Governor Emmylou”Lala”Talino Mendoza at Alamada Mayor Jun Latasa sa pagtulong ng naturang mga mamahayag mula sa lungsod ng Davao para maianggat at ma-i-promote ang mga tourist distination sa probinsya lalong lalo na ang Asik-Asik Spring Falls.

Press conference kaugnay ng Framework Agreement on the Bangsamoro, gaganapin ngayong araw


(Midsayap, North Cotabato/ October 22, 2012) ---Pangungunahan ni House Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity Chairman at North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan ang isang pagpapaliwanag sa media kaugnay sa pinirmahang framework agreement on the Bangsamoro.
Gaganapin ang nabanggit na press conference ngayong araw sa CJNS Kapayapaan Hall sa Midsayap, Cotabato.

BIFF at militar nagkasagupa sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 22, 2012) ---Nagkasagupa ang may 30 armadong grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF at ng pwersa ng militar at pulisya sa may boundary ng Lower Paatan at brgy Cuyapon, Kabacan, North Cotabato alas 6:30 ngayong umaga lamang.

Sa panayam ng DXVL News kay 1Lt. Larry Valdez, ng 7IB, Philippine Army panggugulo lamang sa lugar at land grabbing ang isa sa mga motibo kung bakit nasa erya ang mga grupong ito.