(Midsayap, North Cotabato/ October 22, 2012)
---Pangungunahan ni House Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity Chairman
at North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan ang isang pagpapaliwanag
sa media kaugnay sa pinirmahang framework agreement on the Bangsamoro.
Gaganapin ang nabanggit na press conference ngayong araw sa CJNS Kapayapaan Hall sa Midsayap, Cotabato.
Inaasahan ang pagdalo ng iba’t- ibang media practitioners
mula sa lalawigan at Cotabato City.
Layunin ng aktibidad na magkaroon ng basic
understanding kaugnay ng nilalaman ng framework agreement at ang mga legal na
implikasyon nito.
Inimbita rin ng opisina ni Cong. Sacdalan
ang mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan sa unang distrito ng North
Cotabato, NGOs, academe, religious groups, PNP, AFP, at mga kabataan na dumalo
sa aktibidad. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento