Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BIFF at militar nagkasagupa sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 22, 2012) ---Nagkasagupa ang may 30 armadong grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF at ng pwersa ng militar at pulisya sa may boundary ng Lower Paatan at brgy Cuyapon, Kabacan, North Cotabato alas 6:30 ngayong umaga lamang.


Sa panayam ng DXVL News kay 1Lt. Larry Valdez, ng 7IB, Philippine Army panggugulo lamang sa lugar at land grabbing ang isa sa mga motibo kung bakit nasa erya ang mga grupong ito.

Mahigit sa isang oras ang naging palitan ng putok sa panig ng kalaban at ng militar at pasado alas 7:00 ngayong umaga ay tuluyang umatras ang BIFF matapos na nagpadala ng dagdag na tropa ang militar.

Sa pinakahuling report ni Supt. Leo Ajero ng Kabacan PNP, walang namang my naiulat na nasawi o nasugatan sa nasabing pangyayari, maliban na lamang sa naging tensyunado ang lugar matapos na naglikha ng takot at pangamba sa mga residente. 

Nabatid mula kay Ajero na nais umanong kamkamin ng nasabing grupo ang lupang pinagtamnan ng mga pananim na palay sa lugar.

Kahapon pa nasa erya ang mga elemento ng Pulisya na pinangungunahan ni P/Insp. Tirso Pascual at P/Ins Rolando Dillera para mag-pacify sa nasabing kaguluhan.

sa ngayon nagpapatuloy naman ang man-hunt operation ng mga otoridad sa nasabing pangyayari at inaalam kung ang lider ng MILF sa lugar na si Kumander Paks ay kaanib nga ba ng sumalakay na grupong BIFF sa Cuyapon at kung ito nga ba ay may kinalaman sa katatapos lang na lagdaan ng Framework Agreement ng MILF at GPH. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento