(North Cotabato/ December 15, 2015) ---Patay
ang 37-anyos na babae na sinasabing nanalo sa sugal sa lamay matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang
lalaki sa bisinidad ng Pendatun Street, Barangay Poblacion sa Kidapawan City,
North Cotabato kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni P/Supt. John Miredel Calinga,
hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Manuela Cayetano Amador ng Quezon
Boulevard sa nasabing lungsod.