(USM, Kabacan, North Cotabato/June 9, 2012)
---Nilinaw ngayon ni Dr. Lourdes Taylo, Ph. D in Entomologist ng Institute of
Plant Breeding mula sa University of the Philippines Los Baños Laguna na hindi
nakakasama ang BT Talong o Bacillus thuringiensis sa kalusugan ng taong kakain
nito.
Ito dahil iba ang bituka ng fruit and shoot
borer na pangunahing pumipinsala sa talong na siyang target lamang ng BT, ayon
kay Taylo.
Paliwanag pa nito na ang bituka ng nasabing
insekto ay alkaline taliwas naman sa bituka ng tao na acidic kungsaan walang
ring receptor ang tao ng BT.
BT Talong at USM Field Trial |
Dr. Lourdes Taylo, Ph. D. Entomologist |
Ginawa ni Dr. Taylo ang pahayag matapos na
magpalabas ng writ of kalikasan ang supreme court laban sa commercial
production ng kontrobersiyal na BT Talong na kilala rin bilang genetically
modified eggplants.
Ito makaraang hilingin ng grupong Greenpeace
sa korte na desisyunan ang naturang usapin na posibleng panganib sa kalusugan
ng ginagawang field trials para sa BT Talong.
Pero ayon kay Taylo, wala umanong karapatan
ang nasabing grupo na bumunot o sirain ang mga field trials dahil wala pa
namang inilabas na desisyon ang korte suprema hinggil dito.
Sa kabila nito, giit kasi ng grupong
greenpeace na dapat ay gawin ang trial sa laboratoryo at hindi sa open fields
dahil nakakasama umano sa kalusugan.