(Kidapawan City/June 9, 2012) ---Naninigas
na ang bangkay ng 23-taong gulang na fish vendor na si Eduard Agripalo na
taga-Barangay Sibawan, Kidapawan City, nang matagpuan sa loob ng boarding house
nito sa may Quirino Drive sa Poblacion ng lungsod, alas-630 ng umaga,
kamakalawa.
Ayon kay Police Officer 2 Conrado
Abalos, investigator-on-case ng Kidapawan City PNP, tatlong araw na’ng patay si
Agripalo.
Noong unang araw ay ‘di pinansin ng
mga boardmate ang ‘di paglabas ni Agripalo sa kanyang kwarto.
Pero nagtaka na sila dahil may
masangsang silang naamoy kaya’t
sapilitan nilang binuksan ang kwarto at tumambad sa kanila ang naninigas
at nangangamoy na bangkay ni Agripalo.
Base sa post mortem examination na
isinagawa ni Dr. Ted Calica, assistant health officer ng lungsod, na-stroke si
Agripalo dahil sa pagtaas ng blood pressure nito na naging dahilan ng agaran
nito’ng kamatayan. (MCM)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento