Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang 28-anyos na lalaki, huli sa buybust operation ng mga otoridad

(Kabacan, North Cotabato/June 7, 2012) ---Kulungan ang bagsak ng isang 28 taong gulang na lalaki makaraang mahuli sa isinagawang buybust operation ng mga elemento ng Kabacan PNP sa isang boarding house na nasa Corner Matalam st. at Mercado St., Poblacion alas 4:30 kahapon ng hapon.


Kinilala ni Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP ang nahuli na si Frances Magno Santos Jr., residente ng nabanggit na lugar.


P300.00 ang marked money na ginamit sa buybust operation na ginamit ng pseudo buyer, kungsaan batid ng mga otoridad na positibong nagbebenta at gumagamit ng illegal na droga na pinaniniwalaang shabu ang suspetsado.

Maliban sa mga drug paraphernalia’s narekober din sa naturang bahay ang magazine ng isang pistola na naglalaman ng apat na live ammos.

Ang bahay na hinalughog ng mga otoridad ay boarding house ng mga estudyante na pagmamay-ari ng pamilya Santos, ayon sa report.

Kasong paglabag sa RA 9165 ang kakaharapin ng suspetsado.

Kasama sa nasabing operation si P/Chief Insp. Jubernadine Panes, Deputy chief ng Kabacan PNP, Poblacion Kagawad David Don Saure, DILG at mga operatiba ng Kabacan PNP.

Si Santos ang pag-labing anim na sa mga nahuli simula buwan ng Mayo lahat ay positibo at nasampahan na ng kaso. (Rhoderick Benez) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento