Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DOLE 12 ikinatuwa ang suporta sa programang child-labor free barangays

(Koronadal City/June 9, 2012) --- Ikinatuwa ni Department of Labor and Employment (DOLE) 12 Director Chona Mantilla ang patuloy na suporta ng mga lokal na pamahalaan at iba pang partner sa adbokasiya ng ahensiya laban sa pagpapatrabaho ng mga menor de edad upang kumita.

Kamakailan nagpasa ng resolusyon ang Barangay Kematu sa T’boli ukol sa pagbabawal ng mga batang trabahante sa minahan sa kanilang barangay. Sinundan ito ng isang memorandum ni Gov. Arthur Y. Pingoy Jr. na nag-uutos sa mahigpit na pagpapatupad ng child-labor free environment.

Tiniyak ni Director Mantilla na patuloy ang ayuda ng DOLE 12 sa mga magulang upang hindi na nila pipilitin ang kanilang mga anak na tumulong sa kanilang paghahanapbuhay sa kabila ng kanilang murang edad.

Kalimitan, ayon sa opisyal, kahirapan ang nag-uudyok sa mga magulang na pagtrabahuin ang kanilang mga anak na 15 taong gulang pababa.

Kabilang sa tulong ng DOLE, matutulungan rin ang mga magulang na makapagsimula ng maliliit na negosyo sa pamamagitan ng mga DOLE Starter Kit at Nego Kart.

Nagbibigay din ang ahensiya ng mga pagsasanay at gumagabay sa mga nagnanais makapagnegosyo.

Batay sa datos ng DOLE 12, maliban sa Barangay Kematu kung saan balik na sa pag-aaral ang may 64 na kabataan, tinututukan na rin ng ahensiya ang mga napaulat na pagkakaroon ng ilang child laborer sa Barangay Malire at Cadungon Antipas, Saguing Makilala, at Presbetero sa Pigcawayan na parehong nasa North Cotabato at sa Lagao, San Isidro at City Heights sa General Santos City.

Ang mga batang ito ay nagtatrabaho sa agrikultura, naglalako gulay sa palengke, at nagtatrabaho sa poultry farm.

Umaasa si Director Mantilla, na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DOLE at mga LGU kasama ang iba pang stakeholder, mababawasan kung hindi man tuluyang mapigil ang mga kaso ng child labor sa rehiyon. (Danilo Doguiles PIA-12)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento