(Kidapawan
City/June 4, 2012) ---Nailigtas ng mga first aid responders mula sa Kidapawan
City ang tatlong mga bata na natangay ng malakas na agos ng tubig-baha sa
Nuangan River, kamakalawa.
Kinilala
ni Psalmer Bernalte, pinuno ng Kidapawan City Emergency Response Unit o
KIDCERU, ang mga nailigtas nila na sina Jayson Campomanes, 11; Edian Galinato,
8; at Vincent Bechayda, 10, pawang mga residente ng Llanderal Subdivision,
Barangay Magsaysay.
Sinabi
ni Bernalte na bago pa dumating ang baha ay naglalaro sa ilog ang tatlong mga
bata.
Kaya’t
nang bumuhos ang ulan at lumaki ang tubig ay ‘di na sila nakaalis sa ilog at
natangay ng agos.
Pero
mabilis ang pagkilos ng mga First Aid responders na kinilalang sina Riz
Malapan, 36, at Danny Torreon, 37, kapwa taga-Barangay Magsaysay, at nailigtas
ang mga bata.
Samantala,
hindi alintana ng mga bata ang panganib ng paglalaro sa tubig-baha pagkatapos
ng pag-ulan.
Maaaring sa tubig-baha makuha nila ang
leptospirosis, isang uri ng sakit na kapag ‘di naagapan ay maaaring makamatay,
ayon sa mga health experts.
Sa Lapu-Lapu Street, agad nagtampisaw sa
tubig-baha ang mga bata. Naghanap sila
ng mga bulate sa mga kahoy at sa lupa. At
maging mga talangka pinaglaruan din nila.
Dahil dito, nanawagan ang mga health workers
sa mga magulang na ‘wag payagan ang kanilang mga anak maglaro sa tubig-baha
upang maiwasan ang mga sakit at sakuna. (Malu Manar)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento