(Midsayap, North
Cotabato/June 9, 2012) ---Inilabas na ng Department of Budget and Management o
DBM ang Notice of Cash Allocation para sa pagpapatupad ng health and
scholarship programs sa unang distrito ng North Cotabato.
Layunin ng
ipinadalang NCA o Notice of Cash Allocation na ma- cover ang cash requirements
ng medical assistance project na ipapatupad ng Cotabato Regional Medical Center
sa Cotabato City, Southern Philippines Medical Center sa Davao City ,Amado Diaz
Provincial Foundation Hospital sa Midsayap North Cotabato at ang pagpapatuloy
ng Philhealth para sa indigent patients sa first district of Cotabato.
Kalakip pa nito ang
NCA para sa technical- vocational scholarships na ipapatupad naman ng mga TESDA
accredited schools sa Midsayap na kinabibilangan ng mga sumusunod: Notre Dame
of Midsayap College, Southern Christian College, I-Link College of Science and
Technology, Cotabato Medical Foundation College at St. Jude College of Science
and Technology.
Ang mga pondong
gagamitin para sa pagpapatupad ng mga nasabing programa ay mula sa Priority
Development Assistance Fund o PDAF ni Cong. Jesus Sacdalan.
Sa aktwal na
paggamit ng mga pondong ito, kinakailangan sumailalim parin sa existing
budgeting, accounting and auditing rules and regulations ng gobyerno. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento