(Carmen, North Cotabato/June 8, 2012) ---Kinilala
na ng kanyang asawa ang bangkay ng lalaki na natagpuan sa brgy. Kimadsil,
Carmen, North Cotabato noong hapon ng Martes.
Ayon kay Chief Inspector Jordine Maribojo,
hepe ng Carmen PNP mismong ang Misis nito na si Maelene Grace Chee, 29 na taong
gulang ang kumilala na ang mister nitong nawawala ang natagpuan sa nasabing
lugar.
Kinilala ang biktima na si Robert Chee, 36
na taong gulang at residente ng Cagayan de oro City, ayon sa misis nito.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad
nabatid na nito pang umaga ng June 1 nag-paalam umano sa kanyang misis ang
biktima para mamasada sa kanyang taxi pero nung gabing iyon ay di na naka-uwi
si Robert.
Duda na ang kanyang misis na baka may
masamang nangyari sa mister, kaya agad nitong tinawagan at walang may sumasagot
sa tawag nito.
Sa isinagawang follow up investigation ng
Carmen PNP sa Pikit PNP napag-alaman na isang kulay puting Toyota na may plate
# KVZ-139 ang narekober matapos na inabandona partikular malapit sa bahay ng
isang Usop Manuel na nasa boundary Brgy. ng Kabasalan-Bulol, Pikit, Cotabato ng
mga elemento ng Pikit PNP at ng 7th IB.
Nakita pa ng otoridad ang mga dugo sa loob
ng nasabing sasakyan.
Sa follow up coordination ng mga pulisya sa
Cagayan de oro City Police Office, doon napag-alaman na ang nasabing sasakyan
ay kinarnap noong pang a-uno ng Hunyo.
Sa blotter log book tumugma ang plate number
ng kinarnap na sasakyan sa inabandonang sasakyan na narekober sa bayan ng
Pikit.
Duda ang mga otoridad na posibleng binayaran
ng malaki ang biktima ng mga suspek dahilan kung bakit ito sumama.
Pero ang di alam ni Chee ay cacarnapin pala
ang sasakyan nito, at ang masakit pa ay pinatay ito at itinapon sa masukal na
lugar sa brgy Kimadsel.
Posibleng pinatay ang biktima sa loob mismo
ng taxi nito.
Tinangay naman ng mga salarin ang sasakyan
nito hanggang sa makarating sa bayan ng Pikit bago inabandona.
Sinabi ni Marobojo na ngayong araw ibibiyahe
ang mga labi ni Robert papauwi sa kanilang bahay sa Cagayan de Oro city habang
subject for manhunt na ngayon ng otoridad ang mga salarin. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento