(Makilala, North Cotabato/June 4, 2012) ---Para higit na mapalapit sa
taong-bayan, lalo na sa mga lugar sa North Cotabato na itinuturing na
‘impluwensiyado’ ng mga rebeldeng New Peoples’ Army o NPA, nakiisa sa Brigada
Eskwela ang mga sundalo na miyembro ng 57th at 62nd
Infantry Battalion.
Nagtapos kamakalawa ang Brigada sa mga bayan ng Magpet, Makilala,
President Roxas, Antipas, Arakan, at sa Kidapawan City.
Ayon kay Lt. Col. Noel dela Cruz, acting commander ng 57th IB,
tumulong ang mga sundalo sa pagsasaayos ng drainage canal ng mga paaralan,
pagpintura sa mga paaralan, pagsasaayos ng mga sira’ng upuan at blackboard, at
iba pa.
Tiniyak nina dela Cruz na magiging ligtas, malinis, at maayos ang mga
paaralan sa naturang mga lugar sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes.
Ang Brigada ay isang programa na isinusulong ng Department of Education.
Sa pamamagitan ng Brigada, pinalalakas ang ‘bayanihan’ sa mga mamamayang
Pilipino dahil na rin sa pagbibigay ng serbisyo sa mga pampublikong paaralan
nang libre. (MCM)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento