Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Grade 6 pupil ng Notre Dame of Kabacan, nalason matapos kumain ng hamburger

(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2014) ---Isinugod sa ospital ang isang grade 6 pupil ng Notre Dame of Kabacan Incorporated o NDKI makaraang malison sa kinaing ham burger ala 1:00 ng hapon kamakalawa.

Batay sa report, dumalo ang biktimang si Annaliza, di niya tunay na pangalan, sa kaarawan ng kanyang kaklase kasama ang ibang seksyon at guro.

Suspek na responsable sa nakawan sa USM Main campus, nahaharap na sa patong-patong na kaso

(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2014) ---Nahaharap ngayon ang suspek na nahuli ng mga otoridad naresponsable sa ilang mga nakawan sa USM Main campus kungsaan karamihan sa naging biktima nito ay mga faculty.

Kinilala ang suspek na si Norsalem Nasser Macabuat, residente ng Brgy. Nangaan na nahuli makaraang ibente nito ang laptop na hindi sa kanya.

P68M Cotabato Provincial Govt. Agri-Center Complex bubuksan na ngayong araw

Written by: Jimmy Santacruz

AMAS, Kidapawan City (Feb 28) – Pormal ng bubuksan ngayong araw ang bagong gusali ng Agri-Center Complex sa Provincial Capitol Compound, Barangay Amas, Kidapawan City.

Ang Agri-Center na nagkakahalaga ng P68M ay binubuo ng Office of the Provincial Agriculturist o OPAG, Office of the Provincial Veterinarian o OPVET at Provincial Cooperatives Development Office o PCDO.

Meron itong Farmers Training Hall para sa mga aktibidad tulad ng seminars, orientations o meetings.

Maliban rito ay mayroong Food Laboratory at Covered Court ang naturang complex.

Tampok sa pagbubukas ng Agri-Center ngayong araw ay ang banal na misa at blessing ng gusali na pangungunahan ni Fr. Nicanor E. Valiente, DCK.

Supply ng kuryente naibalik na sa Grid -NGCP

(Kabacan, North Cotabato/ February 28, 2014) ---Umapela ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa publiko na iwasan muna ang mga ispekulasyon kaugnay sa naging sanhi nang naranasang blackout sa buong Mindanao kahapon ng umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na sa ngayon ay kabilang sa kanilang tinitingnang rason ay ang aspeto ng suplay o problema sa transmission.

Sa text message na ipinaabot sa DXVL ni NGCP Corporation Communication & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance Capulong, naibalik na ang supply ng kuryente sa Grid alas 12:18 ng tanghali kahapon.

3 sugatan makaraang masabugan ang sasakyan ng Alkalde sa Pres. Roxas, North Cotabato

(President Roxas, North Cotabato/ February 28, 2014) ---Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung anung grupo ang may kagagawan ng pagpapasabog sa sasakyan ng isang Alkalde sa North Cotabato dakong alas 2:45 ng hapon kahapon.

Nakilala ang mga sugatan na sina SPO4 Castillo, PO3 Ilagas at PO2 Joselex Avena na pawang mga security escort ni President Roxas Mayor Jaime Mahimpit.

Day Care Center ipapatayo sa Kayaga, Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2014) ---Matagumpay na binuksan ang pagpapatayo ng Day Care Center sa Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P750,000, ito ay  pinaglaanan ng pundo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at may local counter part na P19,375.

Market Inspection sa Kabacan, isinagawa

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2014) ---Nagsagawa ng market inspection ang mga meyembro ng sangguniang bayan ng Kabacan kahapon alas 3:00 ng hapon.

Ang naturang hakbang ay bilang tugon sa kautusan ng punong ehekutibo Mayor Herlo Guzman upang alamin ang pangangailangan ng public market para sa pagkukumpuni o pagbago, at pagpapabuti nito.

Barangayan sa Bannawag, matagumpay na naisagawa; Water pump at iba pang mga proyekto, naipamahagi!

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2014) ---Matagumpay na naisagawa ang Barangayan, the HPG Service Caravan ng Local Government Unit of Kabacan sa Barangay Bannawag, Kabacan, Cotabato na pinangunahan ni Mayor Herlo P. Guzman kasama ang ibat-ibang heads of Offices ng LGU kanina, February 26, 2014.

Mahigit dalawang daang “family packs” ang naipamahagi ni Mayor Guzman sa mga senior citizens ng Barangay, mahigit isang daang tsinelas para sa mga bata, 27 pieces na laminated sacks, isang unit ng sound system na gagamitin ng Barangay, at isang unit na shallow tube well na pang water pump sa palayan na naiturn over sa Farmers’ Association ng Bannawag. 

NGCP: Wala pang malinaw na detalye sa malawakang brownout sa Mindanao, pagpapabalik sa supply ng kuryente, prayoridad

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2014) ---Wala pang malinaw na detalye ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa nangyaring malawakang Mindanao-black out na nagsimula bandang alas 3:53 ng madaling araw kanina.

Sa panayam ng DXVL News ngayong hapon kay NGCP Corporation Communication & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance Capulong prayoridad ngayon ng kanilang pamunuan ang agarang pagbabalik ng supply ng kuryente sa malaking bahagi ng Mindanao.

Kauna-unahang National Rubber Budwood Garden, inilunsad sa probinsiya ng North Cotabato

(Amas, Kidapawan city/ February 27, 2014) ---Opisyal ng inilunsad ang kauna-unahang National Rubber Budwood Garden sa Capitol compound, Amas, Kidapawan City kaninang umaga.

Ayon kay Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang nasabing proyekto ay pinonduhan ng inisyal na halagang P8M sa tulong ng National Government sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Sinabi ng opisyal na ang bagong clone variety ng Rubber BudWood ay nakatanim na ngayon sa tatlong ektaryang lupain sa likurang bahagi ng kapitolyo na ginastahan ng P2.4M.

Menor de edad sa Kabacan, huli sa pagnanakaw ng Laptop

(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014)---Naghihimas ngayon ng rehas na bakal ang isang 18 anyos na lalaki  matapos itong mahuli sa pamamagitan ng Citizen’s Arrest sa Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas kwatro bente singko kahapon ng hapon kung saan nakuha sa pag iingat nito ang isang GATEWAY Laptop na kulay metal na pag-aari ni Airen Doong Rosete, isang guro sa University of Southern Mindanao.

Ang naturang menor de edad ay isa umanong bakla, walang asawa at residente ng Baranggay Nangaan, Kabacan, Cotabato.

“Sayaw Kutawato 2014” pormal ng binuksan sa publiko

Written by: Jimmy Santacruz

AMAS, Kidapawan City (Feb. 26) – Inilunsad na ng Provincial Government of Cotabato sa pamamagitan ng Office of the Provincial Budget Officer ang “Sayaw Kutawato 2014” na isa sa mga pinakamalaki at pinakaaabangang aktibidad sa centennial celebration ng probinsiya ngayong taon.

Ang “Sayaw Kutawato 2014” ay paligsahan ng mga mahuhusay at piling mga dancers mula sa 17 munisipyo at nag-iisang lungsod ng Kidapawan at gaganapin ito sa April 9-11, 2014.

Planung pag-utang ng LGU Kabacan ng P75M para sa heavy equipment, binatikos!

(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014) ---Sa pamamagitan ng pagbili ng mga heavy equipment, malaking tulong ito para mapaayos ang farm to market road sa bayan at malaking tulong ito lalo na sa mga mag-sasaka.

Ito ang depensa ni Mayor Herlo Guzman Jr., makaraang batikusin ng ilang mga kritiko nito ang planung pag-utang ng LGU Kabacan ng abot sa P75M sa land bank of the Philippines.

Batay kasi sa tatlong pahinang resolusyon no. 2014-008 na inaprubahan ng Sangguniang bayan ay nagbibigay pahintulot sa alkalde na mangutang ng P75M para pambili ng mga heavy equipment.

Mamamayan ng Kabacan, pinasalamatan ng alkalde sa pagiging vigilante at alerto kontra kriminalidad

(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014) ---Labis ang pasasalamat ni Mayor Herlo P. Guzman sa aktibong partisipasyon ng mamamayan ng Kabacan lalong lalo na ng mga Civillian Volunteers, Barangay Patrol o BPAT at mga tanod ng iba’t ibang Barangay.

Ani guzman Patuloy tayong magtulungan para sa peace and order, mag-usap-usap po tayo kung may mga di pagkakaintindihan, bukas daw diumano ang kanilang opisina at nakahanda ang mayor staff upang pakinggan ang hinaing ng taong bayan.

(Update) BFP Kabacan: 3 silid pinagmulan ng sunog sa USMARC Admin Building

FB: Bibo Alcala
(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014) ---Tatlong kwarto ngayon ang tinututukan ng Bureau of Fire Protection Kabacan sa posibleng pinagmulan ng sunog na tumupok sa malaking bahagi ng administration building ng University of Southern Mindanao Agricultural Research Center o USMARC sa USM Main Campus.

Sa panayam ng DXVL News kay Kabacan BFP Fire Marshall Ibrahim Guiamalon kahapon ng hapon, posibleng nagmula umano ang sunog sa mga stock rooms malapit sa research room, audio-visual room at sa stock room na malapit sa opisina ng direktor ng nasabing tanggapan.

Mayor Guzman, pinabulaanan ang isyung wala siya palagi sa munisipyo

Photo: Unlad Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014) ---Mariing pinabulaanan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang isyung ibinabato sa kanya na wala ito parati sa munisipyo.

Ayon sa punong ehekutibo, matagal na isyu diumano itong ibinabato sa kanya, simula pa noong Barangay Captain pa lang sya at dala-dala na nga rin magpahanggang ngayon.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kahapon, iginiit ng opisyal na pumupunta ito sa mga malalayong barangay ng Kabacan, upang alamin ang mga hinaiing ng mga ito bukod pa sa may mga nakalatag na rin itong programa sa munisipyo.

P3M danyos sa sunog sa Research Center ng USM

Photo by: Allan Dalo
(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014) ---Abot sa mahigit P3 Milyong piso ang iniwang pinsala makaraang masunog ang administration building ng University of Southern Mindanao Agricultural Research Center o USMARC sa Kabacan, North Cotabato alas 12:53 ng madaling araw kanina.

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan ngayong umaga kay Fire Senior Marshall Ibrahim Guiamalon nagsimula umano ang sunog sa tanggapan ni Director Romulo Cena sa ikalawang palapag ng gusali.

Agad namang rumesponde ang mga kagawad ng pamatay apoy at ideneklarang fire out na ito pasado alas 2:00 ng madaling araw kanina.

3rd Year High School Student sa Arakan, NCot; nagpatiwakal!

(Arakan, North Cotabato/ February 25, 2014) ---Nagpasalubong kay kamatayan ang isang 15-anyos na high school student makaraang magbigti ito sa loob ng mismong bahay nila sa Barangay Doroluman, Arakan, North Cotabato alas 9:30 kahapon ng umaga.

Sa phone interview ng DXVL News kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang biktima na si Readalle Bugacia Magbanua, estudyante ng Marciano Dahan National High School sa nasabing lugar.

Motorsiklo ng rubber tapper, tinangay sa Antipas, NCot

(Antipas, North Cotabato/ February 25, 2014) ---Tinangay ng di pa nakilalang mga suspek ang motorsiklo ng isang habal-habal driver sa bayan ng Antipas sa North Cotabato kamalakawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jerwin Delos santos Cabaluna, 28 at residente ng Barangay B Cadungon, Antipas.

Magsasaka, patay sa pamamaril sa Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/ February 25, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa pamatay ang isang magsasaka sa Sitio New Leon, Upper Bao, Alamada, North Cotabato alas 7:30 ng gabi kamakalawa.     
                                                             
Kinilala ni PCInps. Joefrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Hernanie Aplaon Reducto, 59, kasado at residente ng nasabing lugar.         

21-anyos na lalaki nagbigti sa puno ng Mangga sa Carmen, NCot

(Carmen, North Cotabato/ February 25, 2014) ---Pinaniniwalaang problema sa buhay pag-ibig kaya’t nagpasalubong kay kamatayan ang isang 21-anyos na magsasaka sa pamamagitan ng pagbigti sa puno ng mangga sa BPI compound, Barangay Aroman, Carmen, North Cotabato alas 3:00 kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PO2 Mark John Penaso, investigator on case ng Carmen PNP ang biktima na si Levie Erag Ferarin residente ng Purok 18, Barangay Kibudtungan ng nasabing bayan.

8 menor de edad, huli sa ipinapatupad na curfew hours sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Walong mga menor de edad ang nahuli dahil sa paglabag na ipinapatupad na curfew hour sa Poblacion ng Kabacan pasado alas 1:00 ng madaling araw kanina.

Batay sa report, nasa 10 hanggang 22 taong gulang ang nahuli ng kapulisan habang sila ay nagpapatrolya.

PESO Kabacan, patuloy sa pagtulong sa mamamayan upang makahanap ng trabaho

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Patuloy ang ginagawang pagtulong ng Public Emloyment Services Office o PESO Kabacan sa mga mamayang nais makapagtrabaho higit-lalo sa ibayong dagat.

Ayon kay PESO Kabacan Designated Manager Engineer Jeorge S. Graza, patuloy silang nakikipagtulungan sa mga interesadong manpower agency na siyang nagsasagawa ng Special Recruitment Activities o SRA sa bayan.

33-anyos na Ginang, panibagong biktima ng pagnanakaw sa Kabacan; higit P300,000; natangay

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Ninakawan ng di makilalang suspek ang isang ginang na kinilala sa pangalang Meriam Mantawil 33 taong gulang , isang businesswoman at residente ng Barangay Salapungan, Kabacan Cotabato.

Sa salaysay ng biktima,  alas 5 ng umaga diumano noong a bente sa buwang kasalukuyan ng nabigla syang nawawala ang kanyang hand bag, kulay pula at naglalaman ng P385,000, metrobank passbook, medicines,Globe tattoo broadband, receipt at notebook.

MPCORE at CENCOM students, nagkawanggawa sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Bakas sa mukha ng  mga bata at mga magulang sa Lower Silangan ng Barangay Cuyapon, Kabacan, Cotabato ang  sobrang tuwa matapos makatanggap ng  ng mga damit mula sa MORO Peoples Community Organization Reform and Empowerment o Moro PCORE  katuwang ang College of Engineering and Computing sa University of Southern Mindanao nitong nakaraang Sabado.

Maliban dito, namigay din ang nabanggit na organisayon ng mga damit sa Purok Malimo at mga school supplies naman sa Madrasatol Ib’no Annas Al-Islamiya katuwang ang mga mag-aaral mula msa CENCOM sa pangunguna ni Local Student Government  Gov. Ronald P. Rocha.

Isang lalaki, arestado sa pagnanakaw sa isang establisiemento sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Arestado ang ng Kabacan PNP ang isang lalaki matapos itong magnakaw ng isang pakete ng gatasKinilala ng Kabacan PNP ang lalaki na si Bro Acoy Macaalay, 23-anyos, isang magsasaka, may asawa at residente ng Sitio Abpa, Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Batay sa report,  kasagsagang abala  ang mga mamimili sa Amplayo Grocery na matatagpuan sa corner Aglipay Street at Jacinto Street, Poblacion, Kabacan alas-singko ng hapon noong Sabado ng biglang nagpumiglas si Macaalay upang tumakas dahil sa atrasong pagnakaw ng isang pakete ng gatas na nagkakahalaga sa humigit dalawang daang piso.

Qur-anic Reading Competition, matagumpay na naidaos sa bayan ng Pagalungan

(Maguindanao/ February 24, 2014) ---Naging matagumpay ang pagdaraos ng 39th Municipal Qur-anic Reading Competition na ginanap noong Sabado, Pebrero 22, 2014 sa Municipal Covered Court sa bayan ng Pagalungan sa Maguindanao.

Ayon sa Head Orgnanizer ng nasabing patimpalak na si Ustadz Abubakar Haji Abdullah, mayroong kabuuang 27 na kalahok mula sa iba’t-ibang barangay ng bayan ang nagtagisan ng galing sa pagbabasa ng banal na Qur-An kung saan nahati ito sa kategoryang Ebtida o Elementary at Markads o High School.

CHEFS at 58, ipinagdiriwang

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Matagumpay na ipinagdiriwang ng College of Human Ecology and Food Sciences ang ika 58 taong annibersaryo ng kolehiyo na may temang “Maximizing the potentials of CHEFS at 58”.

Ginanap ang nasabing selebrasyon noong Pebrero 21, nagkaroon ng parade at opening program na dinaluhan ng speaker na si Mary Ann Uy Provincial Dietician ng Sultan Kudarat.

KPCS nag-uwi ng karangalan sa Probinsya ng North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Matapos ang Soccsargen regional Athletic Association meet na ginanap sa South Cotabato Complex, Koronadal City noong February 10-14, 2014 at ika 11 na taon ng National Science Quest sa Teachers Camp, baguio City sa parehong mga araw, nag-uwi ng karangalan sa probinsya ng North Cotabato ang mga delegado ng Kabacan Pilot Central School.

Ang mga delegado ng KPCS sa SRAA na siyang representante ng probinsya sa larong Gymnast ay humakot ng medalya na siyang naging daan upang maiuwi nito ang silver na medalya sa Gymnastic games na pinaglalabanan ng 9 na distrito mula sa iba’t-ibang paaralan sa Rehiyon XII, kabilang dito ang distritong nagmula sa Probinsya ng Saranggani, South Cotabato, Sultan Kudarat, North Cotabato, Kidapawan City, Cotabato, tacurong, General Santos at Koronadal City.

14-anyos na dalagita, nilapa ng mga mababangis na hayop

(Libungan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Naaagnas na ang bangkay ng isang dalagita nang matagpuan sa masukal nabahagi ng Barangay Nicaan sa bayan ng Libungan, North Cotabato nitong Biyernes dakong alas-2:00 ng hapon.

Sa panayam kay PCInps. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP kinilala ang biktima na si Mary-ann Macunan, 14, 1st year high school student sa Nicaan National High School ng nasabing lugar.

Naagnas na bangkay, nakitang palutang-lutang sa ilog ng Arakan, NCot

(Arakan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Nasa state of decomposition na ng matagpuang palutang-lutang ang bangkay sa may ilog ng Barangay Badiangon, Arakan, North Cotabato alas 2:00 ng hapon nitong Biyernes.

Ayon kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP agad namang kinuha ang nasabing bangkay ng ilang mga barangay opisyal ng Mahongkog, Magpet at ng mga kamag-anak ng biktima.

1 Patay, 4 sugatan ng suwagin ng tractor ang bahay sa nangyaring vehicular accident sa Highway ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Dead on arrival sa ospital ang isang 65-anyos na biyuda  habang 5 ang naiulat na sugatan sa banggan ng 6 wheeler truck at tractor sa National Highway partikular sa Sitio Lumayong, Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 3:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nasawi na si Nene Baranguer, residente ng nasabing lugar.

1 patay, 1 sugatan sa aksidente sa Highway sa Alamada, NCot

(Alamada, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Patay on the spot ang drayber ng motorsiklo habang sugatan naman ang angkas nito makaraang masangkot ang mga ito sa nangyaring aksidente sa National Highway, partikular sa Barangay Camansi, Alamada, North Cotabato alas 9:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni PCInps. Joefrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang nasawi na si Eric Grejarte, residente ng Barangay Dado habang nasa malubhang kalagayan naman ang sakay nito na di pa kinilala sa ulat na agad na isinugod sa Alamada Provincial Community Hospital.

(Update) Court sheriff, binawian nan g buhay matapos pagbabarilin

(Midsayap, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Napatay ang isang court sheriff makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay Agriculture sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Juanito Diazon, court sheriff ng Midsayap Regional Trial Court Branch 18. Base sa police report, pababa ng kanyang motorsiko ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng tandem, ayon kay P/Supt. Renante Delos Reyes, hepe ng Midsayap PNP.

Basic Literacy Program-ALS, ilulunsad sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Ilulunsad ang Basic Literacy Program, Accreditation and Equivalency Program sa Municipal Gymnasium ng Kabacan alas 8:00 ng umaga bukas.       
           
Ayon kay Poblacion Kagawad Allan Dela Peña ang programa ay bahagi ng Alternative Learning System o ALS layon na mapaaral ang mga out of School youth sa bayan ng Kabacan.              

RTC 18 Sheriff, kritikal makaraang pagbabarilin sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Nasa malubhang kalagayan ngayon ang Sheriff ng Regional Trial Court matapos na pagbabarilin sa mismong bahay nito sa Barangay Agriculture, Midsayap, North Cotabato alas 7:00 kagabi.

Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si Nitoy Diazon residente din ng nasabing lugar.

2 USM students na drug Courier, arestado ng mga pulisya sa Kidapawan City

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Imbes na sa paaralan sa kulungan ang punta ng dalawang mga estudyante ng University of Southern Mindanao Main Campus dito sa bayan ng Kabacan makaraang mahuli sa buybust operation kahapon.

Naaresto ang dalawang mga estudyante na di kinilala sa report sa Barangay Balindog, Kidapawan City.

Sagupaan ng 2 pangkat na armadong grupo, sumiklab sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng dalawang Moro Fronts sa may Barangay Tonganon, Carmen, North Cotabato pasado alas 3:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay 602nd Brigade Philippine Army Spokesman Captain Antonio Bulao na nagkasagupa ang grupo nila Kumander Karim ng 110th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) laban sa pinagsanib na pwersa ng Civilian Volunteer Organization (CVO) at grupo ni Kumander Minanimbong ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa hangganan ng Brgy Tonganon at Brgy Tupig Carmen North Cotabato.

PESO Office ng LGU Kabacan, tumatanggap na ng mga aplikante para sa Special Program for the Employment of Students o SPES

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Tatanggap na ng mga aplikante ang Public Employment and Services Office ng Kabacan para sa Special Program for the Employment of Students o SPES simula ngayong Lunes February 24.

Ito ayon kay SPES Coordinator Geraldine Manuel na layon nito na matulungan ang mga estudyanteng walang kakayahan na makabayad ng kanilang matrikula o pantustos sa pag-aaral.

Relief Goods distribution, isinagawa sa Barangay Cuyapon

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Mahigit 377 na pamilya sa Barangay Cuyapon kahapon, February 19, 2014 ang nabigyan ng relief goods.

Pinangunahan ito ng Kabacan Local Government Unit kasama ang ilang Barangay Officials sa pamamahagi ng ilang relief goods na kung saan ang bawat pamilya ay nakakatanggap ng isang supot na naglalaman ng bigas, delata, at noodles.

Ilang Mga barangay sa Kabacan, binisita ng Alkalde

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Binisita kahapon (February 20, 2014) ni Mayor Herlo Guzman, Jr. ang apat na barangays sa Bayan ng Kabacan ito ay upang magkaroon ng pagkakataon ang alkalde na personal niyang makita ang ibat-ibang problema na kinakaharap ng mga barangays at mga kakulangan sa mga basic social services.

Isa rin itong paraan upang personal niyang makausap ang mga tao at direkta niyang marinig ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.

Mayor Guzman, pinasinayaan ang Farmer Field School Graduation ng mga magsasaka ng Aringay

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Mahigit 33 partisipante ng programang Season Long Farmers Field School on IPM Rice Production ang nakapagtapos na sa Brgy Aringay, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ang programang ito ay pinangunahan ng LGU-Municipal Agriculture Office na dinaluhan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr., katuwang ang ilang mga punong barangay tulad nina Poblacion Kapitan Mike Remulta, Barangay Captain Aladin Mantawil ng Barangay Salapungan at Sb member Datumasla Mantawil.

Mga matataas na armas ng armadong grupo, nasamsam ng mga otoridad sa Maguindanao

(Maguindanao/ February 20, 2014) ---Nabawi ng militar ang mga matataas na uri ng armas nang makasagupa nito ang mga armadong grupo sa Barangay Nabundas Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao nitong Martes.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Phil.Army Spokesman Colonel Dickson Hermoso na habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Bravo Company ng 45th Infantry Battalion Phil.Army sa bahagi ng Maguindanao ay bigla itong pinaputukan ng mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Kabacan Civil Registrar, Magsasagawa ng Libreng Registration

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Registration Month ngayong taon magsasagawa ng isang araw na libreng registration ang Kabacan Municipal Civil Registrar sa buwang ito.

Ayon kay Municipal Civil Registrar Officer Gandy Mamaluba ang makakakuha lang ng libreng birth certificate ay ‘yung may mga anak lang na may edad isang buwan pa lamang na hindi pa narehistro.

Kidapawan City National High School, magiging pambato sa DepEd 12 sa programang Barkada Kontra Droga o BAKODA

(Kidapawan City/ February 20, 2014) ---Magiging Pambato sa National level competition ng Department of Education Region 12 ang Kidapawan City National High School makaraang hirangin bilang awardee sa katatapos lamang na Outstanding Barkada Kontra Droga o BAKODA sa buong rehiyon dose.

Nanguna ang KCNHS sa BAKODA program sa pamamagitan ng kanilang action program on drug vaccination, school community based implementation, drug prevention activities, project and organization at massive information drive.

2 katao sugatan sa pananaga sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Sugatan ang dalawa katao makaraang pagtatagain sa Barangay Kabalantian, Arakan, North Cotabato alas 10:00 kagabi.  
                                  
Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na sina Randy Galamgam, 30-anyos, magsasaka at  residente ng Digos City at Junard Sorillo, 34 magsasaka at residente ng Kalabantian ng nasabing bayan. 

Kasapi ng BFP, Patay sa panibagong Shooting incident sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Napaslang ang kasapi ng Bureau of Fire Protection matapos na pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa loob ng Pikit Public Market, Pikit, North Cotabato bago mag-alas 5:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PInps. Mautin Pangandigan, OIC Chief of Police ng Pikit PNP ang biktima na si Fire Officer 2 Taib Mamasalagat Acob, 43-anyos, may asawa at residente ng Barangay Buliok ng nasabing bayan.

8 taong gulang na bata, sugatan makaraang mabundol sa Midsayap, Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Sugatan ang 8-anyos na bata makaraang mabundol ng isang multi carry sa National Highway ng Midsayap, North Cotabato alas 12:35 ng tanghali kanina.

Sa report ng Midsayap PNP Traffic Division, kinilala ang biktima na si Asia Yunting Bation residente ng Barangay Sadaan ng nasabing bayan.

Drayber, tiklo sa pagtutulak ng illegal na droga at pagdadala ng armas

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang 32-anyos na drayber makaraang mahulihan ng illegal na droga sa may bahagi ng Mapanao St., at Rizal St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 10:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Alvin Piang Takuken, may asawa at residente ng Barangay Kibayao, Carmen, Cotabato.

Mga Manobong magsasaka nakilahok sa programa ng Department of Agriculture

(Midsayap, North cotabato/ February 20, 2014) ---Aktibong nakilahok ang mga Indigenous People o IP’s na magsasaka na kinanabilangan ng mga Manobo sa iba’t ibang programa na ipinamahagi ng Department of Agriculture sa Midsayap, Cotabato.

Layunin nito na pagyamanin ang kaalaman ng mga magsasaka tungkol sa agrikulturang pamumuhay at maibahagi sa kanila ang mga bagong teknolohiya na makatutulong sa kanilang pagsasaka sa pamamagitan ni Gng. Delina Abellenida na isang Agricultural Technologist na siyang nagging focal person.

Mga Manobong magsasaka nakilahok sa programa ng Department of Agriculture

(Midsayap, North cotabato/ February 20, 2014) ---Aktibong nakilahok ang mga Indigenous People o IP’s na magsasaka na kinanabilangan ng mga Manobo sa iba’t ibang programa na ipinamahagi ng Department of Agriculture sa Midsayap, Cotabato.

Layunin nito na pagyamanin ang kaalaman ng mga magsasaka tungkol sa agrikulturang pamumuhay at maibahagi sa kanila ang mga bagong teknolohiya na makatutulong sa kanilang pagsasaka sa pamamagitan ni Gng. Delina Abellenida na isang Agricultural Technologist na siyang nagging focal person.

Mahigit 200 mga motorista na ang mga nakapag file na ng kanilang drivers data sheet, simula noong isang linggo

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Layon ng pamahalaang lokal ng Kabacan na mag karoon ng background information ang mga kinauukulan sa mga tricikad drivers.

Matapos maka pag file ng kanikanilang mga data sheet ay pwde na rin silang kumuha ng kanilang mga drivers ID, na nag lalaman ng kanilang mga pangunahing impormasyon at kasama narin dito ang kanilang security sticker na nilalagay sa kanilang mga pampasaherong tricikad.

19-anyos na lalaki, na-hold-up; P10K at laptop natangay

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Natangay ang P10,000 na cash at laptop ng isang 19-anyos na panibagong biktima ng hold-up sa may corner ng USM Avenue at Sunrise St., Poblacion, Kabacan, Cotabato  alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Jevi Corpuz residente ng block 9, Purok 3, Iligan City.

19-anyos na lalaki, na-hold-up; P10K at laptop natangay

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Natangay ang P10,000 na cash at laptop ng isang 19-anyos na panibagong biktima ng hold-up sa may corner ng USM Avenue at Sunrise St., Poblacion, Kabacan, Cotabato  alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Jevi Corpuz residente ng block 9, Purok 3, Iligan City.
Aniya, Naghihintay umano siya ng kanyang tiyahin upang sumabay ito sa kanilang reunion ng bigla na lamang dumating sa harapan nito ang mga suspek lulan ng single motorcycle at tinutukan ito ng baril at nag deklara ng hold-up.

Kampanya kontra loose firearms at anti-drugs, mas pinaigting ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) --- Arestado ng Kabacan PNP ang isang 32-anyos na drayber makaraang mahulihan ng illegal na droga at armas sa may bahagi ng Mapanao St., at Rizal St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 10:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Alvin Piang Takuken, may asawa at residente ng Barangay Kibayao, Carmen, Cotabato.

Mga nakumpiskang illegal na troso sa Kabacan, naibigay na sa ilang mga paaralan sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Naiturn-over na ang mga nakompiskang mga kahoy sa recipient na napili ng LGU Kabacan alas 2:00 kahapon ng hapon.

Pinangunahan ni Hon. Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang pagturn-over ng mahigit pitong daang board feet na mga kahoy o lumbers sa Lower Silangan Moro People’s organization na nirepresentahan ni Mr. Muslimen Dandoy ang presidente ng nasabing organisasyon.

“Bantay Presyo Billboard”, inilagay sa Kabacan Public Market ng DTI

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Isinagawa kahapon ang paglalagay ng “Bantay Presyo Billboard” sa palengke ng Kabacan, Cotabato.

Sa pangunguna ng Department of Trade and Industry kasama ang Kabacan Local Government Unit, ang “Bantay Presyo Billboard” Project na nagnanais na maabot ang konsepto ng “Tamang Timbang, Tamang Presyo, at Dekalidad na Produkto ng DTI, ay nainstol na.