Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P3M danyos sa sunog sa Research Center ng USM

Photo by: Allan Dalo
(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014) ---Abot sa mahigit P3 Milyong piso ang iniwang pinsala makaraang masunog ang administration building ng University of Southern Mindanao Agricultural Research Center o USMARC sa Kabacan, North Cotabato alas 12:53 ng madaling araw kanina.

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan ngayong umaga kay Fire Senior Marshall Ibrahim Guiamalon nagsimula umano ang sunog sa tanggapan ni Director Romulo Cena sa ikalawang palapag ng gusali.

Agad namang rumesponde ang mga kagawad ng pamatay apoy at ideneklarang fire out na ito pasado alas 2:00 ng madaling araw kanina.


May ilang silid ng gusali na di natupok ng apoy pero maliban dito, nilamon ng apoy ang lahat ng mga light materials na bahagi ng gusali.

Sa hiwalay namang interbyu ng DXVL News kay USM President Francisco Gil Garcia, tiniyak nito na hindi umano lubos na maapektuhan ang serbisyo ng naturang tanggapan sapagkat kukunti lang naman umano ang gumagamit nito.

Katunayan aniya, maraming lugar sa pamantasan na pweding gawing opisina pansamantala ng apektadong mga empyleyado.

Bagamat meroon umanong epekto ang pagkakasunog ng nasabing gusali, hindi naman daw ito sapat para maparalisa ang operasyon nito at ng buong pamantasan.

Kaugnay ng nasabing insidente, nanawagan naman ang pangulo ng pamantasan sa mga USM Constituents nito na maging mahinahon at hintayin ang resulta ng gagawing imbestigasyon ng mga otoridad at pag-ibayuhin pa ang pag-iingat sa mga nagaganap sa kapaligiran.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang pagsisiyasat ng BFP para alamin ang totoong pinagmulan ng apoy.

Matatandaang na nitong nakalipas na araw ay tinangka ring sunugin ang Department of Fisheries and Animal Science bukod sa pag-granada rin sa motor pool sa loob din ng nasabing Pamantasan.

Hinigpitan na rin ang seguridad sa palibot ng University of Southern Mindanao. Rhoderick Beñez with report from Abdullah Matucan

0 comments:

Mag-post ng isang Komento