Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mayor Guzman, pinabulaanan ang isyung wala siya palagi sa munisipyo

Photo: Unlad Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ February 26, 2014) ---Mariing pinabulaanan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang isyung ibinabato sa kanya na wala ito parati sa munisipyo.

Ayon sa punong ehekutibo, matagal na isyu diumano itong ibinabato sa kanya, simula pa noong Barangay Captain pa lang sya at dala-dala na nga rin magpahanggang ngayon.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kahapon, iginiit ng opisyal na pumupunta ito sa mga malalayong barangay ng Kabacan, upang alamin ang mga hinaiing ng mga ito bukod pa sa may mga nakalatag na rin itong programa sa munisipyo.


Dagdag pa niya Direct communication ang kailangan para sa Barangay nang maintindihan nito ang kanilang pangangailangan, dahil hindi raw sa lahat ng oras may perang pamasahe ang mga tao para maghatid ng kanilang hinaing o suhestyon sa munisipyo o sentro ng bayan. Rhoderick Beñez with report from USM Devcom Intern Karen Claire Campollo


0 comments:

Mag-post ng isang Komento