(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014)
---Natangay ang P10,000 na cash at laptop ng isang 19-anyos na panibagong
biktima ng hold-up sa may corner ng USM Avenue at Sunrise St., Poblacion,
Kabacan, Cotabato alas 5:00 ng madaling
araw kanina.
Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si
Jevi Corpuz residente ng block 9, Purok 3, Iligan City.
Aniya, Naghihintay umano siya ng kanyang
tiyahin upang sumabay ito sa kanilang reunion ng bigla na lamang dumating sa
harapan nito ang mga suspek lulan ng single motorcycle at tinutukan ito ng
baril at nag deklara ng hold-up.
Tinangay umano ang cellphone, bag na may
lamang laptop at pera na nagkakahalagang 10,000 pesos.
Walang magawa ang biktima kundi ibigay ito.
Agad namang tumakas ang mga salarin papalayo
sa di malamang direksiyon.
Sa ngayon patuloy parin ang imbistigasyon at
pag-aksyon ng mga kapulisan para kilalanin at mapanagot ang nasabing suspek sa
batas. USM DevCom Intern Karen May
Tamagos, DXVL news!
0 comments:
Mag-post ng isang Komento