Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Basic Literacy Program-ALS, ilulunsad sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Ilulunsad ang Basic Literacy Program, Accreditation and Equivalency Program sa Municipal Gymnasium ng Kabacan alas 8:00 ng umaga bukas.       
           
Ayon kay Poblacion Kagawad Allan Dela Peña ang programa ay bahagi ng Alternative Learning System o ALS layon na mapaaral ang mga out of School youth sa bayan ng Kabacan.              


                                 
Sinabi ng opisyal na may 70 mga out of School youth ang sasailalim sa nasabing programa at mabigyan na pagkakataon na makapag-aral sa High School kung maipapasa nila ang nasabing eksaminasyon.                      
           
Aniya, may ilan kasi na nasa tamang edad na hindi pa nakapag-aral ng o nakatuntong man lang ng elementarya o high school sa bayan.           
                                                                                 
Sa pamamagitan ng programang ito ay mabibigyan ng pagkakataong makapag-aral ng libre ang mga nasabing benepesyaryo.

Magkakaroon naman ng lagdaan ng memorandum of understanding na pangungunahan ni ALS Kabacan Coordinator Rufino Belvis.

Dadaluhan naman ni Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas, kasama si 3rd District Rep. Ping2x Tejada at Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza ang nasabing programa.

Suportado naman ng College of Education-USM Dean Dr. Leorence Tandog at Mayor Herlo Guzman Jr., ang aktibidad. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento