Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang Mga barangay sa Kabacan, binisita ng Alkalde

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Binisita kahapon (February 20, 2014) ni Mayor Herlo Guzman, Jr. ang apat na barangays sa Bayan ng Kabacan ito ay upang magkaroon ng pagkakataon ang alkalde na personal niyang makita ang ibat-ibang problema na kinakaharap ng mga barangays at mga kakulangan sa mga basic social services.

Isa rin itong paraan upang personal niyang makausap ang mga tao at direkta niyang marinig ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.


Una niyang binisita ang Barangay Aringay na kung saan personal niyang pinasinayaan ang Graduation program ng Farmers’ Field School.

Dito, kanyang ipinahayag ang kanyang malaking suporta upang mapaangat at umunlad ang sector ng agrikultura sa bayan ng Kabacan.

Sunod niyang binisita ang Barangay Nangaan na kanya ring  personal na nakausap si Barangay Captain Matog Lumambas at ang mga kagawad nito.

Nagkaroon ng pagkakataon ang alkalde na mamigay ng mahigit dalawang daang tsinelas sa mga bata, mahigit 900 kulambo sa mga pamilya, at health kits at mga payong para sa mga health workers ng barangay.

Para kay Mayor Guzman, isang napakalaking prebilihiyo na kaniyang makasama, makausap at makita ang mga ngiti ng mga tao sa Nangaan.

Ito, ayon pa sa kanya, ang kanyang magiging lakas upang maipursige ang pagpaparating ng kaunlaran sa Barangay Nangaan.

Sa pagbisita ng alkalde sa Barangay Sanggadong, isang Kanduli ng pamilyang Macalipat ang sumalubong sa kanya.

Kanyang personal na nakausap si Barangay Captain Macalipat kasama ang ibat-ibang kagawad ng barangay.

Sa meeting kanina,  kaniyang pinaabot sa mga opisyales ng barangay na isa ang barangay Sanggadong na makakatanggap ng Multi-Purpose Drier Project mula sa DA Region XII.

Nagkaroon din ng pagkakataon na kanyang makausap si Barangay Captain Zacarias Tado ng Barangay Buluan sa isang informal meeting na ginanap sa Barangay Buluan.

Masaya ang alkalde sa mainit na pagtanggap sa kanya at sa kanilang ipinapakitang suporta sa kanyang liderato.


Kasama ni mayor Guzman ang kanyang mga staff at heads of offices ng LGU, si Hon. Barangay Captain Mike Remulta ng Poblacion, Aladin Mantawil ng Salapungan, SB Member Datu Masla Mantawil, miyembro ng AFP at PNP sa kanyang Barangay Immersion Program, ito ayon sa report ni Kabacan LGU Information Officer Sarah Jane Corpuz Guerrero

0 comments:

Mag-post ng isang Komento