(Carmen, North Cotabato/ February 21, 2014)
---Muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng dalawang Moro Fronts sa may
Barangay Tonganon, Carmen, North Cotabato pasado alas 3:00 kahapon ng hapon.
Ayon kay 602nd Brigade Philippine Army
Spokesman Captain Antonio Bulao na nagkasagupa ang grupo nila Kumander Karim ng
110th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) laban sa pinagsanib
na pwersa ng Civilian Volunteer Organization (CVO) at grupo ni Kumander
Minanimbong ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa hangganan ng Brgy
Tonganon at Brgy Tupig Carmen North Cotabato.
Nagbarikada umano sa kalsada ang grupo ni
Kumander Karim at pinigilan ang mga magsasaka na mailabas ang kanilang mga
inaning palay at mais para ibinta sa ibang bayan.
Dahil dito, nagresponde ang mga tauhan ni
Kumander Minanimbong ng MNLF kasama ang mga CVO dahilan para sumiklab ang
sagupaan.
Agad namang kumilos si Carmen Mayor Roger
TaliÅ„o , North Cotabato Governor Emmylou”Lala”Taliňo Mendoza at pwersa ng 602nd
Brigade Phil.Army para ayusin ang gusot ng magkalabang grupo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento