Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Market Inspection sa Kabacan, isinagawa

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2014) ---Nagsagawa ng market inspection ang mga meyembro ng sangguniang bayan ng Kabacan kahapon alas 3:00 ng hapon.

Ang naturang hakbang ay bilang tugon sa kautusan ng punong ehekutibo Mayor Herlo Guzman upang alamin ang pangangailangan ng public market para sa pagkukumpuni o pagbago, at pagpapabuti nito.


Isinagawa ng sangguniang bayan ang ispeksyong ito kasama ang koordinasyon ng Municipal Economic Enterprises Development Office (MEEDO) sa pangunguna ni Edny Palomero.

Sa kanilang inisyal na obserbasyon, natuklasan umano nila ang problema katulad ng baradong kanal,mahinang sanitasyon ng paligid, at kalat-kalat na mga bangkito.


Ayon kay information officer Sarah Jane Guerero, ang maging resulta nito ay ihaharap kay mayor Guzman para sa karagdagang pagsusuri at pagpapatunay nito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento