Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PNP wala pang lead sa mga salarin sa panghahagis ng granada sa isang residential house sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ April 12, 2013) ---Blanko pa ngayon ang Kabacan PNP kung anu ang motibo sa nangyaring paghagis ng granada sa isang residential house na nasa Zamora St., Poblacion, Kabacan alas 7:00 ng gabi nitong Miyerkules.

Ayon sa report ng Kabacan PNP hinagisan ng mga di pa nakilalangmga salarin ang bahay ni Jona Baylen Raquel, 37 taong gulang, may asawa at negosyante.

48-anyos na lalaki, patay matapos pagtatagain at pagbabarilin sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ April 12, 2013) ---Bangkay na ng matagpuan ang katawan ng isang 48-anyos na lalaki makaraang pagtatagain at pagbabarilin ng di pa nakilalang salarin sa Brgy. Salapungan, Kabacan, Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PC/Insp. Jubernadine Panes, deputy Chief of Police ng Kabacan PNP ang biktima na si Nonoy Alera, may asawa at residente ng Kidapawan City.

Mag-asawa; pinagbabaril sa Kabacan, Mister Patay, Misis Kritikal


(Kabacan, North Cotabato/ April 12, 2013) ---Patay ang isang 57-taong gulang na mister habang nasa kritikal namang sitwasyon ang asawa nito makaraang pagbabarilin ang dalawa sa Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 8:00 kagabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Nestor Bautista, tricycle driver at ang asawa nitong si Carmelita Bautista, 45 taong gulang, kapwa residente ng Lower Paatan ng nabanggit na bayan.

4megawatts na contract ng Cotelco-PPALMA sa Therma South, nilagdaan na


(Matalam, North Cotabato/ April 12, 2013) ---Bagama’t pirmado na ang kontrata ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco-PPALMa sa Therma South, hindi pa rin ito magiging solusyon sa napakahabang rotational brownout sa service area ng kooperatiba sa kasalukuyan.

Ayon kay OIC General Manager Felix Canja ang nasabing lagdaan na isinagawa kanina sa Cotelco Main Office sa Manubuan, Matalam ay bahagi ng kanilang long term solusyon sa kinakaharap na krisis sa enerhiya.

Seguridad sa 2 araw na graduation rites sa USM, inilatag na!


(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013) ---Inilatag na ng Security Services and Management ng University of Southern Mindanao ang security measures para sa dalawang araw na graduation rites ng USM na magsisimula bukas.

Sinabi ni Director for Security Services and Management Orlando Forro na humiling na ng augmentation troops ang kanyang pamunaun sa Pulisya at sa militar.

2 resolution; ihahain sa SB Kabacan hinggil sa Peace and Order ng bayan


(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013) ---Matapos ang ilang mga nangyayaring kriminalidad sa bayan ng Kabacan, naghain ngayon ng dalawang resolusyon ang miyembro ng Municipal Peace and Order Council sa isinagawang executive meeting kaninang umaga.

Napagkasunduan sa nasabing pagpupulong ang pagbubuo ng Task force na tututok sa mga krimen sa bayan.

Bahay ng isang negosyante sa Kabacan; hinagisan ng Granada!


(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013) ---Naging tensyunado ang ilang mga resident eng Kabacan makaraang tinapunan ng granada ang isang residential House na nasa Zamora St., ng bayang ito alas 7:00 kagabi.

Ayon sa report ng Kabacan PNP inihagis ng mga di pa nakilalang salarin na riding in tandem sakay sa Single Honda TMX ang bahay ni Jona Baylen Raquel, 37 taong gulang, may asawa at negosyante.

Provincial Coordinating conference ng PNP at comelec, isasagawa ngayong araw


(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013) ---Isasagawa ang Provincial Coordinating Conference sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City ngayong araw.

Ito para plantsahin ang paghahanda ng Cotabato Police Provincial Office para sa nalalapit na halalan.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta kungsaan bahagi ito ng kanilang pagtitiyak nag awing maayos , mapayapa at tahimik ang idadaos na eleksoyon sa probinsiya.

BIR Kidapawan; magbubukas sa April 13


(Kidapawan City/ April 11, 2013) ---Magbubukas ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue Kidapawan District sa April 13, araw ng Sabado o dalawang araw bago ang deadline ng filing ng Income Tax Return saApril 15.

Ayon kay BIR Kidapawan District 108 OIC Venerando Homez, ito ay para ma-accommodate pa ng kanilang opisina ang mga taxpayers na di pa nakakasumite ng kanilang ITR.

Clustered graduation, tampok sa 67th Commencement Exercises ng USM


(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013) ---Abot sa 2, 120 ang kabuuang mag-aaral ng University of Southern Mindanao Main Campus buhat dito sa Kabacan, North Cotabato ang mag-mamartsa sa araw ng kanilang pagtatapos ngayong Abril a-13.

Ito ang napag-alaman kay University Registrar Lucia Cabangbang kungsaan tatlong clustered ang graduation sa USM ngayong taon.

Mahigit 50 mga motorista huli ng Makilala PNP dahil sa paglabag sa mga batas trapiko


(Makilala, North Cotabato/ April 11, 2013) ---MakilalaMahigit limampung mga motorista na ang na-intercept ng Makilala PNP dahil sa iba’t-ibang traffic violations sa unang quarter ng 2013.

Ayon kay Makilala PNP Chief of Police Inspector Rizal Alulod, kabilang sa mga violation ay ang pagbiyahe ng walang suot na helmet, no license plate, driving without license at iba pa.

2,120 na estudyante ng USM, mamartsa sa gagawing cluster graduation ng Pamantasan

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013) ---Isang araw bago ang cluster graduation sa University of Southern Mindanao, puspusan na ang paghahanda ng pamunuan ng USM hinggil sa nasabing programa.

Ayon kay University Registrar Lucia Cabangbang 2,120 ang kabuuang mag-aaral ng USM Main campus ang magmamartsa sa 67th Commencement Exercises ng Unibersidad.

2 bayan sa North Cotabato, minomonitor ng Cotabato PNP


(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013) ---Dalawang munisipyo dito sa probinsiya ng North cotabato ang tinututukan ngayon ng mga otoridad sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 13.

Ayon kay Police Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta ang nasabing mga bayan na kanilang minomonitor ay ang Banisilan at ang bayan ng Midsayap.

Fact-Finding Committee, di makakarating ngayong araw


(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013) ---Hindi pa nakukumpleto ang binuong Fact Finding Committee dahilan kung bakit di makakarating ang mga ito ngayong araw dito sa University of Southern Mindanao o USM Main campus.

Ito ang sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Mr. William dela Torre, isa sa mga tumatayong tagapagsalita ng raliyesta.

North Cotabato Zero pa sa election related incidents; kampanya sa lokal patuloy na minomonitor ng PNP


(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013) ---Patuloy ang ginagawang koordinasyon ngayon ng Cotabato Provincial Police Office sa Commission on Elections o Comelec at sa Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ito para tiyaking maayos, tahimik at mapayapa ang gagawing halalan sa Mayo a-13, 2013.

Kaugnay nito, sinabi sa DXVL Radyo ng Bayan ni Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta na wala pang eleksiyon related incident na naitala sa probinsiya.

North Cotabato PNP, todo handa na sa nalalapit na halalan


(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013) ---Pinaplantsa na ngayon ng Cotabato Police Provincial Office ang mga inilatag nilang paghahanda para sa nalalapit na halalan.

Ito ang ginawang pagtitiyak ni Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta sa interbyu ng DXVL Radyo ng Bayan kungsaan magsasagawa sila ng Provincial Coordinating Conference sa bukas sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.

(Update) Napabayaang kandila, posibleng pinagmulan ng sunog sa Mirriam’s Dormitory -BFP


(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013) ---Muling nagpaalala ngayon si Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon sa publiko ng ilang mga safety tips, makaraang mangyari ang sunog sa dalawang palapag na Miriam’s Dormitoryo na nasa Arcedo St., Poblacion ng Kabacan pasado alas 10:00 kagabi.   
                                                                                                         
Sinabi nito na dapat unahin alamin ng mga occupants ang mga daanan palabas sa isang gusali o bahay o boarding house kung may mangyari disaster o kahalintulad na insedente, dapat ding tiyakin ng publiko na hindi overloaded ang connection ng kanilang kuryente at una sa lahat ay isipin ang kaligtasan sa anumang sakuna.      

2 palapag na dormitoryo; natupok ng apoy sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Nasunog ang dalawang palapag na dormitoryo na nasa Arcedo St., Poblacion, Kabacan, Cotabato pasado alas 10:00 ngayong gabi lamang.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay Purok President Aida Vallescas nabatid na ang nasunod na dormitoryo ay lumang bahay at karamihan ay gawa sa kahoy.

Fact Finding Committee; inaasahang darating bukas sa USM


(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Mangunguna ang binuong Fact Finding Committee ng Commission on Higher Education o CHED sa pagsisiyasat ng pinag-ugatan ng gusot sa University of Southern Mindanao o USM.

Ito ang sinabi sa DXVL News kahapon ni Mr. William dela Torre, isa sa mga tumatayong tagapagsalita ng mga raliyesta, inaasahan na nila ang pagdating ng FFC team bukas, ito ayon kay OIC Dr. Teresita Cambel.

COTELCO-PPALMA Management humingi ng paumanhin sa mga konsumidores nito


(Midsayap, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Dahil sa nararanasang ‘rotational brownout’ partikular sa mga bayang siniserbisyuhan ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO-PPALMA ay humingi ng paumanhin ang pamunuan ng kooperatiba sa mga konsumidores nito.

Ipinahayagag ni COTELCO- PPALMA OIC Manager Felix Canja ang ‘sincere apologies’ ng kooperatiba dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente para sa distrito uno ng North Cotabato, ito ayon sa report ni DXVL PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

0-17 buwang sanggol sa Kabacan, isasailalim sa Garantisadong Pambata Program ng DOH


(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Sasailalim sa Garantisadong Pambata Program ang mga 17 buwang sanggol pababa na mga bata sa bayan ng Kabacan bilang taunang programa ng Department Of Health o DOH.

Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan  kay Municipal Health Emergency Management staff Honey Joy Cabellon, RN gagawin sa April 15 hanggang sa Mayo a-22 ng kasalukuyang taon ang nasabing aktibidad.

Generator set; nakatakdang bibilhin ng Cotelco para pangdagdag sa supply ng kuryente


(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Iginiit ng pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative Inc., o Cotelco na nakatakdang bibili ang kooperatiba ng generator set para pandagdag sa supply ng kuryente.

Ito ayon kay Cotelco General Manager Godofredo Homez sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan para maibsan kung di man tuluyang matuldukan ang napakahabang brown-out na nararanasan sa mga service area ng Cotelco.

Ilang mga sasakyan, partikular na ang mga tricycle sa Kabacan; may nakalagay na pol ad kahit bawal sa comelec


(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Kahit na ipinagbawal na ng Commission on Elections o COMELEC, marami pa ring mga tricycle driver ang naglalagay ng mga campaign ads sa kanilang sasakyan.

Sa Kabacan, ilan sa mga namataan ng Botohan 2013 Newsteam ng DXVL ay nakalagay sa likurang bahagi ng driver’s seat ang larawan ng mga kandidato habang ang iba ay nasa harapan ng tricycle.

Masterlist ng mga registered voters ng Kabacan; nakahanda na; botante ng bayan, tumaas


(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) --- Handa na ang Commission on Election o Comelec Kabacan para sa nalalapit na halalan sa Mayo a-13, 2013.

Ito ang ginawang pagtitiyak ngayong hapon sa DXVL Radyo ng Bayan ni Kabacan Election Officer Josephine Macapas, ang bagong itinalagang municipal election officer ng bayan.

25-anyos na lalaki, sugatan makaraang pagbabarilin sa Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ April 8, 2013) ---Pinagbabaril ng di pa nakilalang suspek ang isang 25-anyos na lalaki sa Sinamar 2, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:30 kagabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Michael Galay residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng mga pulisya pinaulanan ng bala ang suspek habang nasa labas ito ng kanilang bahay, 15 metro ang layo.

IPHO North Cotabato, nananawagan sa publiko na pabakunahan ang kanilang alagang aso; kasunod ng apat na ang patay dahil sa rabies


(Kabacan, North Cotabato/ April 8, 2013) ---Apat katao na ang namatay dahil umano sa kagat ng aso dito sa Cotabato province nitong unang quarter ng taong 2013.

Dahil dito nanawagan ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa may mga alagang aso na kailangan ng mga ito ng anti-vaccine.