Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad sa 2 araw na graduation rites sa USM, inilatag na!


(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013) ---Inilatag na ng Security Services and Management ng University of Southern Mindanao ang security measures para sa dalawang araw na graduation rites ng USM na magsisimula bukas.

Sinabi ni Director for Security Services and Management Orlando Forro na humiling na ng augmentation troops ang kanyang pamunaun sa Pulisya at sa militar.

Ito para tiyakin ang seguridad sa paligid ng pagdadausan ng cluster graduation bukas at ang commencement program sa Amphitheater sa araw ng Sabado.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isang executive meeting sa tanggapan ni Mayor George Tan kaninang umaga kasama ang regular na kasapi ng Municipal Peace and Order Council.

Nagpahayag naman ng suporta ang PNP Kabacan sa tulong ni P/Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP batay sa sulat na ipinadala ni OIC Pres. Dr. Teresita Cambel kay P/SSupt. Danilo Peralta, North Cotabato Provincial Director.

Bukod sa pulis, ipapakalat rin sa USM compound ang bomb Squad team kasama ang kanilang K9 at mga militar buhat sa 602nd Brigade na pinamumunuan ni B/Gen. Edimar Tommaro. (Rhoderick Beñez)

   

0 comments:

Mag-post ng isang Komento