(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013)
---Dalawang munisipyo dito sa probinsiya ng North cotabato ang tinututukan
ngayon ng mga otoridad sa nalalapit na halalan ngayong Mayo 13.
Ayon kay Police
Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta ang nasabing mga bayan na kanilang
minomonitor ay ang Banisilan at ang bayan ng Midsayap.
Ayon kay Peralta, binabantayan nila ang bayan ng Banisilan dahil sa malapit ito
sa area ng Bukidnon at di agad marespondihan sakaling may mangyaring insedente.
Idinagdag pa
nito, na mainit ang pulitika sa Banisilan, makaraang inambush ang isang
kandidato sa pagka-konsehal.
Bagama’t rido ang motibo sa nasabing pag-ambush, di naman kumpiyansa ang mga
otoridad dahilan kung bakit magpapadala ang mga ito ng isang platoon ng mga
pulis at isang kumpanya ngmga sundalo.
Habang,
kinakailangan ding tutukan ang bayan ng Midsayap dahil may dalawang barangay na
nasa boundary ng Maguindanao province.
Tinitiyak naman ng opisyal ang
nasabing lugar na boundary ng Midsayap at Maguindanao dahil sa sinasabing may
presensiya umano ng mga lawless element ng Moro
Islamic Liberation Front (MILF). (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento