(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013) ---Isasagawa ang
Provincial Coordinating Conference sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City ngayong araw.
Ito para plantsahin ang
paghahanda ng Cotabato Police Provincial Office para sa nalalapit na halalan.
Ito ang sinabi sa DXVL
Radyo ng Bayan ni Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta kungsaan bahagi
ito ng kanilang pagtitiyak nag awing maayos , mapayapa at tahimik ang idadaos
na eleksoyon sa probinsiya.
Sinabi pa ng opisyal na
nagpapatuloy ang kanilang koordinasyon sa Commission on Elections o Comelec at
sa Armed Forces of the Philippines o AFP hinggil sa mga ipinapatupad nilang
check point sa buong lugar sa probinsiya ng North cotabato hinggil sa election
gun ban.
Bukod dito tatalakayin
sa kanilang pagpupulong mamaya ang pinal na deployment ng kanyang mga tauhan sa
araw ng eleksiyon.
Dagdag pa ni Peralta, na
wala namang may naiulat sa ngayon na eleksiyon related violent ang kanyang
pamunuan simula ng mag-umpisa ang kampanya sa lokal na posisyon. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento