(Kabacan, North Cotabato/
April 8, 2013) ---Apat katao na ang namatay dahil umano sa kagat ng aso dito sa
Cotabato province nitong unang quarter ng taong 2013.
Dahil dito nanawagan ang
Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa may mga alagang aso na kailangan
ng mga ito ng anti-vaccine.
Ayon kay Cotabato
Provincial Health Officer Dr. Dovia Tabugo ang mga nasawi dahil sa kagat ng aso
ay mula sa mga bayan ng Carmen, Kabacan, Matalam at Alamada.
Ani Tabugo, kailangan
lamang pumunta ng mga nagmamay-ari ng aso sa kanilang veterinary office upang
mabakunahan ang kanilang mga alaga.
Kung matatandaan nitong
2010, nakapagtala ng 13 na nasawi dahil sa rabies, walo naman nitong taong 2011
at siyam nakaraang taon.
Base sa talaan ng IPHO,
karamihan sa mga kaso ng kagat ng aso sa Cotabato ay nangyayari sa loob mismo
ng bahay ng kanilang mga amo.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento