(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 11,
2013) ---Abot sa 2, 120 ang kabuuang mag-aaral ng University of Southern
Mindanao Main Campus buhat dito sa Kabacan, North Cotabato ang mag-mamartsa sa
araw ng kanilang pagtatapos ngayong Abril a-13.
Ito ang napag-alaman kay University
Registrar Lucia Cabangbang kungsaan tatlong clustered ang graduation sa USM
ngayong taon.
Sinabi ng opisyal na ang cluster graduation
ay gagawin sa April 12 kasabay ng pagbibigay ng diploma, awarding ng medals sa
mga estudyanteng nakakuha ng parangal at sa hapon naman ay gagawin ang hooding
sa graduate school, CVM at CENCOM.
Binubuo ang cluster 1 ng sumusunod na
kolehiyo: CVM, CENCOM at Graduate School na gagawin ala 1:00 ng hapon sa USM
gymnasium ang kanilang graduation; cluster 2: College of Education, College of
Arts and Sciences, College of Health and Sciences at College of Human Ecology
and Food Sciences na gagawin naman ang kanilang graduation ala 6:00 ng umaga sa
USM gymnasium habang ang cluster 3 ay binubuo ng College of Business
Development and Economic Management o CBDEM, College of Agriculture, College of
Industry and Technology o CIT, Institute of Middle East and Asian Studies o
IMEAS na isasagawa naman ang graduation sa Amphitheater alas 6:00 ng umaga sa
araw ng Biyernes.
Magiging panauhing tagapagsalita si
Commission on Higher Education Regional Director XII DR. Maximu Aljibe sa 67th
Commencement Exercises ng USM.
Inihayag ni Cabangbang na ginawa ang cluster
graduation para maging madali na sa April 13 kasi ang nagpapatagal sa programa ay
ang distribution ng diploma. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento