(Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2013)
---Matapos ang ilang mga nangyayaring kriminalidad sa bayan ng Kabacan, naghain
ngayon ng dalawang resolusyon ang miyembro ng Municipal Peace and Order Council
sa isinagawang executive meeting kaninang umaga.
Napagkasunduan sa nasabing pagpupulong ang
pagbubuo ng Task force na tututok sa mga krimen sa bayan.
Ito ang ginawang hakbang ni Kabacan Mayor
George Tan para maibsan kung di man tuluyang matuldukan ang mga nangyayaring
kriminalidad sa bayan kagaya ng patayan, nakawan, hold-up at iba pa.
Katuwang ng opisyal sa pagpapanatili ng
kaayusan at katahimikan ng bayan ay ang may bahay nito na si dating Mayor
Luzviminda Tan na itinalagang Peace ambassadress.
Nababahala na kasi ang opisyal sa unstable
na peace and order situation sa Kabacan lalo na ngayon papalapit ang eleksiyon
sa Mayo a-13.
Bukod sa unang nabanggit, isinusulong din ng
Unang Ginang ang Covenant Signing sa tatlong Mayoralty Candidate ng Kabacan sa
tulong ng Comelec, PNP at AFP para tiyaking maayos, malinis at mapayapa ang
darating na halalan.
Pabiro pang sinabi ng First Lady na upang
malaman sa tatlong kandidato bilang mayor kung sinu ang totoo o tunay na
lalaki. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento