(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) ---Iginiit
ng pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative Inc., o Cotelco na nakatakdang
bibili ang kooperatiba ng generator set para pandagdag sa supply ng kuryente.
Ito ayon kay Cotelco General Manager
Godofredo Homez sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan para maibsan
kung di man tuluyang matuldukan ang napakahabang brown-out na nararanasan sa
mga service area ng Cotelco.
Ito ang short term solution na inilatag sa
kanila ng Department of Energy o DOE sa isinagawang pagpupulong nitong
nakaraang linggo sa Kalakhang Maynila.
Sinabi ni Homez na maging sila ay di rin
alam ang schedule ng ipinapatupad na load curtailment, dahil bawat oras ay
naiiba ang ibinababang supply ng kuryente sa kanila ng National Grid
Corporation of the Philippines o NGCP sa kanilang mga distributor.
Pero batay sa kadalasang power interruption
umaabot ng 4 hanggang 6 na oras kada araw ang brown out sa service area ng Cotelco.
Ang nasabing problema sa kuryente ay hindi na
saklaw ng cotelco, ito dahil sa nagkukulang na ang mga planta ng generation sa
Mindanao habang tumataas naman ang demand ng kuryente.
Sakaling maging operational na ang isang
mall sa Kidapawan City, inaasahang mababawasan na naman ng ilang megawatts ang
supply ng kuryente. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento