(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2013) --- Handa na ang Commission on Election o Comelec Kabacan para sa nalalapit na
halalan sa Mayo a-13, 2013.
Ito ang ginawang pagtitiyak ngayong hapon sa
DXVL Radyo ng Bayan ni Kabacan Election Officer Josephine Macapas, ang bagong
itinalagang municipal election officer ng bayan.
Aniya, abot sa 40,559 ang kabuuang botante
ng Kabacan.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa bilang ng
mga botante sa nagdaang halalan.
Kaugnay nito, ang mga botante sa 3rd
district ay maghahalal din ng representante buhat sa ikatlong distrito ng
probinsiya ng North cotabato.
Ayon sa opisyal kabilang kasi ang Kabacan sa
panibagong buong distrito ng probinsiya.
Kasama sa 3rd District ang
M’lang, Tulunan, Matalam, Kabacan at Carmen.
Samantala, nagpaalala din ang election
officer na bawal ang hiring ng mga bagong kawani sa ilalim ng Civil Service
Commission, ito dahil sa election ban.
Batay sa Comelec
Resolution No. 9385, bawal ang appointment o ang paghire ng mga bagong mga
empleyado, pagbuo o pag fill-up ng bagong nga posisyon, promotion o kahit
pagbibigay ng salary increases, remuneration o prebilihiyo.
Nagsimula ang
nasabing prohibited acts mula noong buwan ng Marso a-29 hanggang sa Mayo a-13,
2013 kasabay ng campaign period sa mga lokal na kandidato. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento