Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Napabayaang kandila, posibleng pinagmulan ng sunog sa Mirriam’s Dormitory -BFP


(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2013) ---Muling nagpaalala ngayon si Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon sa publiko ng ilang mga safety tips, makaraang mangyari ang sunog sa dalawang palapag na Miriam’s Dormitoryo na nasa Arcedo St., Poblacion ng Kabacan pasado alas 10:00 kagabi.   
                                                                                                         
Sinabi nito na dapat unahin alamin ng mga occupants ang mga daanan palabas sa isang gusali o bahay o boarding house kung may mangyari disaster o kahalintulad na insedente, dapat ding tiyakin ng publiko na hindi overloaded ang connection ng kanilang kuryente at una sa lahat ay isipin ang kaligtasan sa anumang sakuna.      
                                                                                                                      
Aniya, posibleng ang napabayaang kandila mula sa 2nd floor room number 5 na inuukupa ni Jayson Roy Alpas nagmula ang apoy, ito makaraang inamin ni Alpas sa opisyal na gumagamit siya ng kandila tuwing gabi dahil dalawang linggo ng naputulan ng kuryente ang nasabing dormitoryo. 
                                                            
Pero ang di inamin nito kung napatay niya ang kandila dahil nagulat na lamang siya ng malamang nilalamon na ng apoy ang kanilang boarding house.     
          
Sinabi ni Guiamalon sa panayam ng DXVL News ngayong umaga na abot sa higit P300thousand lamang ang kabuuangpinsala sa nasabing sunog.   
                                 
Wala namang may naiulat na nadamay na karatig bahay sa nasabing insedente makaraang agad namang rumesponde ang mga kagawad ng pamatay apoy kasama ang firetruck ng USM. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento