Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BIR Kidapawan; magbubukas sa April 13


(Kidapawan City/ April 11, 2013) ---Magbubukas ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue Kidapawan District sa April 13, araw ng Sabado o dalawang araw bago ang deadline ng filing ng Income Tax Return saApril 15.

Ayon kay BIR Kidapawan District 108 OIC Venerando Homez, ito ay para ma-accommodate pa ng kanilang opisina ang mga taxpayers na di pa nakakasumite ng kanilang ITR.


Kasabay nito ay nagpaalala si Homez sa publiko na tiyaking makakapag-file sila ng ITR bago pa sumapit ang deadline.

Ito ay para maka-iwas sila sa surcharge at penalty na ipapataw ng BIR.
Magbabayad naman ng 25 percent surcharge at 20% interest per annum ang mga mabibigong humabol sa deadline.

Maliban pa ito sa compromise penalty na P 200, dagdag pa ni Homez.

Hinikayat rin ng BIR official ang mga taxpayers na iwasan na ang pagdagsa sa huling araw o deadline para iwas perwisyo at abala.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento