Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4megawatts na contract ng Cotelco-PPALMA sa Therma South, nilagdaan na


(Matalam, North Cotabato/ April 12, 2013) ---Bagama’t pirmado na ang kontrata ng Cotabato Electric Cooperative, Inc. o Cotelco-PPALMa sa Therma South, hindi pa rin ito magiging solusyon sa napakahabang rotational brownout sa service area ng kooperatiba sa kasalukuyan.

Ayon kay OIC General Manager Felix Canja ang nasabing lagdaan na isinagawa kanina sa Cotelco Main Office sa Manubuan, Matalam ay bahagi ng kanilang long term solusyon sa kinakaharap na krisis sa enerhiya.

Sinabi pa ng opisyal na ang aprubadong 4megawatts na isusuply ng therma South sa Cotelco-PPALMA ay magagamit sa huling bahagi ng 2014 o sa taong 2015 pa.

Kaugnay nito, para mabigyan ng solusyon ang napakahabang rotational brown-out sa mga lugar na sakop ng PPALMA, planu ngayon ng kooperatiba ang re-marketing sa Therma Marine.

Ibig sabihin nito, anumang matitira buhat sa power barges ay ireremarket sa Cotelco-PPALMA ito para pang-augment sa power supply ng kooperatiba.

Sa ngayon umaabot sa 6-8 oras ang brown-out sa PPALMA, ito dahil sa 3.5 megawatts lamang ang inaibigay na supply sa kanila, kinakailangan kasi ng Cotelco-PPALMA ng 10megawatts para walang power interruption sa service area na sakop nila. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento