(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 11,
2013) ---Isang araw bago ang cluster graduation sa University of Southern
Mindanao, puspusan na ang paghahanda ng pamunuan ng USM hinggil sa nasabing
programa.
Ayon kay University Registrar Lucia
Cabangbang 2,120 ang kabuuang mag-aaral ng USM Main campus ang magmamartsa sa
67th Commencement Exercises ng Unibersidad.
Sinabi ng opisyal na gagawin bukas ang
pagbibigay ng diploma, awarding ng medals sa mga estudyanteng nakakuha ng
parangal at sa hapon naman ay gagawin ang hooding sa graduate school, CVM at
CENCOM.
Ayon kay Cabangbang, binubuo ang cluster 1
ng sumusunod na kolehiyo: CVM, CENCOM at Graduate School na gagawin ala 1:00 ng
hapon sa USM gymnasium ang kanilang graduation; cluster 2: College of
Education, College of Arts and Sciences, College of Health and Sciences at
College of Human Ecology and Food Sciences na gagawin naman ang kanilang
graduation ala 6:00 ng umaga sa USM gymnasium habang ang cluster 3 ay binubuo
ng College of Business Development and Economic Management o CBDEM, College of
Agriculture, College of Industry and Technology o CIT, Institute of Middle East
and Asian Studies o IMEAS na isasagawa naman ang graduation sa Amphitheater
alas 6:00 ng umaga sa araw ng Biyernes.
Magiging panauhing tagapagsalita si
Commission on Higher Education Regional Director XII DR. Maximu Aljibe sa 67th
sa nasabing graduation.
Inihayag ni Cabangbang na ginawa ang cluster
graduation para maging madali na sa April 13 ang presentation of the graduates,
certification of completion at confirmation of the graduates na pangungunahan
ni OIC Pres. Dr. Teresita Cambel.
Nagpapatagal kasi sa commencement program
ang distribution ng diploma kaya uunahin na ito bukas. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento