(Tulunan, North Cotabato/ July 2, 2013) ---Iginiit
ngayon ng Pambansang Pulisya sa Tulunan, North Cotabato na walang kinalaman ang
nangyaring palitan ng putok sa pinag-aawayang lupa sa Brgy. Maybula sa bayan ng
Tulunan.
Ito ang kinumpirma ni PCInsp. Ronnie
Cordero, hepe ng Tulunan PNP makaraang naging tensyunado ang brgy. Dungos
matapos na inatake ng armadong grupo ang nasabinbg lugar alas 10:30 kagabi.
Ayon sa opisyal ang nangyaring palitan ng
putok ay posibleng selos sa trabaho ng mga security guards at ng pamunuan ng
RNF Banana Plantation.
Agad namang umatras ang mga pangkat ng
armado ng rumesponde sa lugar ang mga otoridad.
Wala namang may napaulat na nasugatan o
nasawi sa nasabing insedente.
Matatandaan na ang bayan ng Tulunan ay
nalagay sa kontrobersiya kamakailan matapos ang land dispute ng tatlongmga lalawigan
na nakapalibot sa lugar kung saan ikinasawi ng isang armadong magsasaka at
ikinasugat ng tatlong Moro Islamic Liberation Front ng muling sumiklab ang
labanan sa lugar Sitio Barko-barko.
Sa kasalukuyan, may inilagay ng Joint Task
Force Barko-barko para pahupain ang engkwentro sa nasabing lugar. (Rhoderick
Beñez with Ronald Padojinog)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento