Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamamahagi ng permanenteng pananim magpapatuloy sa Unang Distrito ng N. Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ July 4, 2013) ---Sisikaping tugunan ng pamunuan ng Unang Distrito ng North Cotabato ang mga kahilingan ng iba’t- ibang grupo na mabigyan ng mga pananim sa ilalim ng Agri- Pangkabuhayan Para Sa Kapayapaan Program.

Una nang inihayag ni Rep. Jesus Sacdalan na magpapatuloy ang pamamahagi ng permanenteng pananim sa mga magsasaka at interesadong grupo katuwang ang Department of Agriculture Regional Office 12.


Aniya, ang mga pananim na ibibigay sa ilalim ng nasabing programa ay mga punongkahoy na hindi basta- basta puputulin ngunit magbibigay ng kabuhayan sa mga nagtanim at nangagalaga nito.

Dagdag ng opisyal, ito ay bilang pagsuporta sa inisyatibo ng pamahalaan na pangalagaan ang kalikasan.

Partikular na isinusulong ngayon sa distrito uno ang distribusyon ng permanent crops tulad ng rubber, cacao, kape, niyog at iba pang fruit- bearing trees upang itanim sa mga kabundukan.

Mula taong 2011 hanggang 2013, nabatid na abot sa P12 Milyon pondo ang inilaan mula sa Priority Development Assistance Fund o PDAF upang itaguyod ang high- value crops development program sa distrito.

Samantala, sinabi naman ni Agri-Pangkabuhayan Focal Person Nicanor Nanlabi na may kaukulang proseso na dapat sundin ang mga nagnanais makatanggap ng pananim mula sa programa.

Kailangan din umanong magsumite ng sulat kahilingan ang mga benepisyaryo at punan ang application form na makukuha sa Congressional District Office ni Rep. Sacdalan. (Roderick Bautista)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento