Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagsasara sa mga daanan ng mga grupo ng MILF, walang katotohanan

(Kabacan, North Cotabato/ July 3, 2013) ---Kinumpirma sa DXVL Radyo ng Bayan ni MILF Spokesperson Von Al Haq na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita hinggil sa pagsasara ng mga daanan sa Poblacion at lungsod sa Central Mindanao.

Ito ang ginawang paglilinaw ng opisyal matapos na kumalat ang mga text messages kahapon ng umaga na naglalaman ng all out war ng grupo ng MILF kontra sa tropa ng gobyerno.

Ito dahil sa panlilinlang umano ng gobyerno sa Bangsamoro Framework Agreement.

Maging si Al Haq ay nagtaka ng makatanggap siya ng nasabing mensahe.


Aniya paninira lamang umano sa kanilang hanay ang nasabing reports. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento