Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Alkalde ng Pagalungan, Maguindanao; pumanaw dahil sa kumplikadong sakit

(Pagalungan, Maguindanao/ July 1, 2013) ---Inihatid na sa kanyang huling hantungan si Datu Norodin Matalam ang alkalde ng Pagalungan, Maguindanao.

Iginupo si Matalam ng kanyang iniindang karamdaman na ayon sa mga doktor ay kumplekadong sakit.


Isang linggo ring nakipaglaban kay kamatayan ang opisyal pero binawian ito ng buhay habang ginagamit sa Davao Doctor’s Hospital sa Davao city alas 5:20 ng mdaling araw nitong Sabado.

Makalipas ang ilang oras ay inilibing si Matalam batay sa nakaugalian ng tradisyon ng mga Muslim.

Si Matalam ay kandidato ng UNA nitong nakaraang eleksiyon at nanalo bilang alkalde sa Pagalungan.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang buong komunidad ng Pagalungan, kasama na ang pamahalaang lokal sa pamilya Matalam. (Rhoderick Beñez)





0 comments:

Mag-post ng isang Komento