(Amas, Kidapawan City/ July 1, 2013) ---Binigyang
diin ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza sa kanyang inaugural speech
ang tatlong bagay na dapat isaisip ng mga bagong halal na opisyal ng lalawigan
matapos na manumpa ito sa kanyang katungkulan noong Biyernes sa Provincial
Gymnasium, Amas, Kidapawan city.
Pinaalalahanan nito ang lahat ng mga bagong
opisyal ng lalawigan kasama na ang mga kawani ng gobyerno at lahat ng ahensiya
ng pamahalaan na may responsibilidad, limitasyon at accountability ang mga ito.
Tinukoy pa nito na may malaking
responsibilidad ang mga bagong opisyal na gagampanan matapos ang eleksiyon.
Sinabi nitong ang barangay may malaking
ekspektasyon sa kapitan habang ang tao sa bawat munisipyo ay malaki ang
inaasahan sa alkalde at ang tao sa buong probinsiya ay malaki ang ekspektasyon
sa gobernador.
Kaugnay nito, dapat ay magtulungan ang bawat
isa dahil may limitasyon ang mga inihalal na lideres at dapat ding magpakumbaba
ang bawat isa dahil may mga bagay din na hindi alam ang mga ito.
Kaya, hinikaya’t nito ang bawat isa na
magbigay ng kanilang mungkahi para lalo pang mapagbuti ang pagbibigay serbisyo
sa munisipyo at sa probinsiya.
Ang nasabing paalala ay ibinatay ng
gobernador sa ibinigay na mensahe ng isang pastor sa oathking na isinagawa sa
bayan ng Aleosan, kamakailan.
Aniya, ang lahat ng mga hinahawakan ng mga
nasa gobyerno ay mula sa buwis ng tao kaya dapat ding isipin ng nasa pamahalaan
ang kanilang accountability.
Nanumpa si Mendoza sa kanyang ikalawang
termino sa isinagawang oath taking ceremony kasama si Vice Gov. Dodong Ipong, 3rd
District congressman Ping-ping Tejada, kasama ang sampung mga Sangguniang
Panlalawigan members kay RTC Branch 17, Presiding Judge Arvin Sadiri Balagot.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento