(Sultan Kudarat, Maguindanao/ July 2, 2013) ---Abot sa 40 na mga manunulat na Bangsamoro mula sa
iba’t ibang panig ng Mindanao ang sumailalim sa tatlong araw na Basic
Journalism Seminar na nagtapos kanina sa Camp Darapanan ng Moro Islamic
Liberation Front (MILF) sa may crossing Simuay sa bayan ng Sultan Kudarat,
Maguindanao.
Sinabi ni MILF panel chairman Mohaqher Iqbal na ito ang una’ng pagkakataon na
sinanay nila sa larangan ng pamamahayag ang kanilang mga manunulat.
Karamihan sa mga dumalo mga writers ng www.luwaran.com, ang official website ng MILF, at Maradika, ang official
newsletter ng grupo na lumalabas kada buwan.
Ayon kay Iqbal, ang natutunan ng mga partisipante ay magagamit nila sa itatayo
nila’ng regional newspaper at isang radio station – ilan sa mga susunod nila’ng
hakbang para mas mapalawak, mapalakas, at mapalalim ang kaalaman ng
taong-bayan, lalo na sa mga isyu’ng may kinalaman ang at MILF at ang mga
mamamayang Moro sa Mindanao.
Bahagi raw ito ng tinatawag ni Iqbal na ‘nation building.’
Nagsimula noong Sabado ang kanilang pagsasanay at nagtapos nito lamang Lunes.
Ilang mga batikang manunulat sa radyo, pahayagan, at TV ang kanilang inimbita
para magbigay ng training.
Samantala, nilinaw ni Iqbal na taliwas sa mga lumalabas na report na may
‘impasse’ sa pag-uusap ng kanilang grupo sa gubyerno ni Pangulong Aquino,
patuloy ang komunikasyon nila sa kanilang mga counterpart patungkol sa susunod
na petsa ng peace talks.
Tuloy din ang trabaho ng Transition Commission – ang komisyon na
naatasang maglatag ng ilalaman o Implementing Rules and Regulations ng
Framework Agreement on Bangsamoro (FAB) para magsilbing batayan sa itatayong
Bangsamoro.
Si Iqbal ang siya’ng chairman ng naturang komisyon.
Inamin ni Iqbal na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nahahawakan ng Transition
Commission ang pondo para umarangkada na sila sa kanilang trabaho.
Ang bawat sesyon raw ng
komisyon ay nangangailangan ng pera.
Naka-tatlong sesyon na ang komisyon simula nang ipakilala sa publiko noong
Marso ang mga bumubuo nito.
Ang una ay ginawa sa
kalakhang Maynila; pangalawa, sa Cotabato City; at ang pinakahuli, sa Tagaytay.
Sa ngayon ay hinihintay pa rin ng Transition Commission ang kopya ng tatlong
mga annexes sa GPH-MILF peace talks na mahalaga para sa paglalatag ng IRR ng
FAB. (Malu Manar)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento