(Midsayap,
North Cotabato/ July 4, 2013) ---Aasahan umano ng mga Midsayapeṅo ang isang
‘gobyerno ng konsultasyon.’
Ito ang inihayag ni Vice Mayor at
Sangguniang Bayan of Midsayap Presiding Officer Engr. Albert Luis Garduque sa
kanyang pagharap sa mga mamamayan ng bayan kamakailan.
Iginiit ng opisyal na layunin ng kasalukuyang
administrasyon na masigurong naaayon sa kagustuhan at kalooban ng bawat
Midsayapeṅo ang mga gagawing programa at proyekto ng pamahalaang lokal.
Sinabi rin ni Vice Mayor Garduque na bukas
ito sa mga suhestiyon kaugnay ng pamamalakad nito bilang pangalawang
pinakamataas na opisyal ng bayan.
Inaasahan naman nito ang buong suporta ng
mga kasapi ng sangguniang bayan.
Nitong nakaraang eleksyon ay tinalo ni Vice
Mayor Garduque si dating Midsayap Vice Mayor Dr. Vevencio Deomampo.
Kung matatandaan, sa ilalim ng pamumuno ni
Deomampo ay pinarangalan ang SB Midsayap bilang pinakamahusay na local
legislative body sa buong lalawigan ng North Cotabato. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento