Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Vice Pres. Binay, nag-abot ng parangal sa Planning and Development Officer ng Kidapawan sa kampanya kontra illegal settlers sa lungsod


(Kidapawan City/ October 12, 2012) ---Mismong si Vice President Jejomar Binay ang nag-abot ng parangal sa City Planning and Development Officer ng Kidapawan City bilang gawad sa kampanya ng LGU kontra sa illegal settlers sa lungsod.
        
Ito ay bilang pagkilala ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC na isinagawa sa SMX Concention Center sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Guro, nawalan ng gamit matapos ninakawan ng kasamabahay sa Kidapawan city; lalaki sugatan naman sa vehicular accident


(Kidapawan City/ October 12, 2012) ---Nawalan ng ilang mga gamit ang isang 31-anyos na guro na di kinilala sa report matapos nakawan umano ng sariling nitong kasambahay, sa may Kanapia Subdivision sa Kidapawan City, kamakalwa.
          
Ayon sa report ng pulisya, nagpaalam lamang ang kasambahay na si ‘Inday’, di niya tunay na panangalan na uuwi sa kanilang tahanan sa isang barangay sa lungsod noon pang oct.3.
          
Nangako umano si Inday na babalik sa October 9 ngunit hanggang ngayon, di pa rin nagpapakita ang katulong.

Pagkakalason ng 100 katao sa kinaing patel sa Makilala, North cotabato; hindi sinadya ---ayon sa mataas na opisyal ng bayan

(Makilala, North Cotabato/ October 12, 2012) ---Pinabulaanan ng mataas na opisyal ng Makilala, North Cotabato ang akusasyong diumano’y sinadya nila ang nangyaring food poisoning sa 100 katao na partisipante ng fun run activity noong Miyerkules kasabay ng ika-58 foundation anniversary ng bayan.

Ayon kay Makilala Municipal administrator Boy Villavicencio aksidente umano ang nangyari at wala itong intensiyon na guluhin ang nasabing fun run.

Tribal Leaders sa isang barangay ng Midsayap, nanumpa sa tungkulin

(Midsayap, North Cotabato/October 12, 2012) ---Nanumpa kamakailan ang bagong halal na mga opisyales ng Council of Tribal Elders sa Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.

Ang confirmation of officers ay pinangunahan ni Midsayap Mayor Manuel Rabara sa harap ng mga katutubo at opisyal ng barangay na dumalo sa nabanggit na programa.

Di umano’y talamak na operasyon ng lumberyard sa Brgy. Nanga-an, Kabacan, pinabulaanan ng kapitan ng barangay


(Kabacan, North Cotabato/October 11, 2012) ---Pinabulaanan ngayon ng pamunuan ng Barangay Nanga-an ang lumabas na ulat na diumano’y mayroong talamak na operasyon ng bansuhan sa lugar.

Ayon sa emisaryong ipinadala ni Nanga-an Brgy. Captain Datukali Lumambas, hindi umano totoo ang alegasyong ito. Paliwanag nito ang mga pinutol na punongkahoy na nakikita sa lugar ay dumadaan lamang sa kanilang barangay sa pamamagitan ng Rio Grande de Mindanao.

Ilang partisipante sa Fun Run sa bayan ng Makilala, nalason dahil sa kinaing 'patel'

(Makilala, North Cotabato/October 11, 2012) ---Higit isang daang katao ang isinugod sa ilang mga ospital sa Kidapawan City at sa bayan ng Makilala, North Cotabato matapos malason sa kinaing patel, bandang alas dose ng tanghali, kahapon.
      
Ang patel ay ibinigay sa mga kalahok ng fun run kaugnay sa selebrasyon ng ikalawang Sinabadan Festival at ika limampu’t walong pagdiriwang ng anibersaryo sa bayan ng Makilala.

Opisyal ng PRO 12, pinasinungalingan ang akusasyong nanghihingi sila ng pera sa mga negosyante at politiko


(Kidapawan City/ October 10, 2012) ---Mismong si Senior Inspector Benjamin Mauricio, spokesperson ng Police Regional Office o PRO 12 ang nagpasinungaling sa isyu’ng may inuutusan silang mga sibilyan upang mang-solicit.
      
Ayon sa mga kumakalat na reklamo, may ilang mga indibidwal daw kasi sa Kidapawan City at ilang parte ng Central Mindanao ang nanghihingi ng pera sa mga negosyante at politiko.

Dance festival tampok sa ika-76 na Araw ng Midsayap sa Nobyembre


(Midsayap, North Cotabato/ October 10, 2012) ---Apat na kategorya ang paglalabanan ng mga kupunang sasali sa 7th Cotabato annual dance festival sa darating na Nobyembre 17 ng taong kasalukuyan.

Kabilang dito ang Dancesports, Popdance, Cheerdance at Rural Folkdance kung saan inaasahan ang paglahok ng mga kabataang magmumula pa sa ibat- ibang bahagi ng lalawigan, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Nilalaman ng draft peace agreement, ikokonsulta sa mamamayan bago lagdaan


(Midsayap, North Cotabato/ October 10, 2012) ---Positibo si North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na magtatagumpay ang pag-uusap ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Una nang inihayag ni Cong. Sacdalan na magkakaroon ng puspusang konsultasyon sa mga komunidad kaugnay sa nilalaman ng framework agreement.

NUJP, magsasampa ng ikalawang petisyon kontra sa RA 10175 o Cyber prevention Act


Magsasampa ng ikalawang petisyon ang National Union of Journalist of the Philippines o NUJP kontra sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act.
      
Nagsagawa ng press conference ang NUJP sa College of Arts and Sciences Lobby sa University of the Philippines o UP Manila, alas otso y medya ng umaga kahapon.

DILG North Cotabato, makikiisa rin sa broadcastreeing na gagawin ng mga Kapisanan ng mga broadcaster ng Pilipinas Kidapawan City Chapter


(Kidapawan city/ October 10, 2012) ---Makikiisa na rin ang Department of Interior and Local Government o DILG North Cotabato sa nakatakdang Broadcastreeing tree planting activity sa darating na Oct. 13.
          
Ayon kay DILG provincial District 2 cluster head Luz Aliponga, ito ay upang mapalakas pa ang partisipasyon ng DILG sa naturang aktibidad na naglalayong palakasin ang kampanya ng pamahalaan laban sa global warning at climate change.

Pulis na iniuugnay sa last two operations sa North Cotabato, pinabulaanan ang mga alegasyon kontra sa kanya


(Kidapawan city/ October 9, 2012) ---Pinasinungalingan ni Senior Police Officer 4 Bong Cornelio, intelligence officer ng North Cotabto Police, ang mga spekulasyo’ng may kaugnayan siya sa last two operations sa lalawigan.
      
Ito ang sinabi ni Cornelio bilang tugon nito sa isang letter expose na ipinalabas ng ‘di nagpakilalang whistle blower.

Hydropower electric source sa nakikitang solusyon sa power crisis sa North Cotabato 1st District


(Midsayap, North Cotabato/ October 9, 2012) ---Sa patuloy na nararamdamang krisis ng kuryente sa unang distrito ng North Cotabato, may mga mungkahing solusyon ang isa sa mga lider ng lalawigan.

Inihayag ni North Cotabato 1st District Cong. Jesus Sacdalan na isa sa mga nakikitang solusyon sa power crisis sa distrito ay ang pagkakaroon ng sariling hydropower electric source.

Maari umanong pakinabangan ang mga irigasyon sa PPALMA bilang alternative source of electric energy, ito ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

1 lola at isang kasama pa; huli dahil sa illegal gambling


(Kabacan, North Cotabato/ October 9, 2012) ---Arestado ang dalawa katao sa isinagawang saturation drive ng Kabacan PNP kontra illegal gambling sa bayan.

Kinilala ng Kabacan PNP ang naaresto na sina: Albert Rivera Bedeharde, 28-anyos at si Lina Rivera Bedeharde, 62-anyos kapwa residente ng Roxas St., Poblacion ng nabanggit na bayan.

Kabacan PNP, muling nag-paalala sa mga may ari ng motorsiklo na maging responsable at vigilante

(Kabacan, North Cotabato/ October 9, 2012) ---Muling nag-babala ngayon ang Kabacan PNP sa mga may ari ng motorsiklo na maging responsable at vigilante dahil sa muli na namang naglipanang mga magnanakaw sa bayan.

Nito lamang Sabado, alas 9:00 ng umaga pwersahang kinuha ng tatlong mga suspek ang motorsiklo na pag-aari ni Renante Layas, 25-anyos, driver at residente ng brgy. Bangilan, Kabacan.

Natangay mula sa biktima ang kulay pula nitong Honda XRM na may plate number MX 4608.

Mister nirereklamo ni Misis dahil sa pambubugbog sa kanya

(Kabacan, North Cotabato/ October 9, 2012) ---Dumulog sa himpilan ng Kabacan PNP kahapon ng hapon ang isang Misis makaraang inireklamo nito ang kanyang Mister dahil sa pananakit sa kanya.

Mangiyak-ngiyak na dumating ang ginang sa istasyon ng pulisya na itinago lang sa Pangalang “Lalai”, 34 residente ng Purok Kapayapaan, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Registration sa Kabacan Comelec muling nag-resume matapos ang 5 araw na filing ng COC ng mga kandidato; 3 naitalang kakandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ October 9, 2012) ---Bukas na muli simula kahapon ang Kabacan Commission on Election Office para sa mga nagpapatalang mga botante ng bayan.

Ayon kay Acting Election Officer Gideon Falcis, pansamantalang sinuspende ang nasabing registration para bigyan ng daan ang limang araw na filing ng mga certificate of candidacy ng mga kakandidato sa iba’t-ibang lokal na posisyon.

Naiwang bag sa USM Avenue, inakalang may lamang IED


(Kabacan, North Cotabato/October 8, 2012) ---Naglikha ng takot at tensiyon ang naiwang bag ng isang estudyante ng University of Southern Mindanao sa USM Avenue, partikular sa ilalim ng fruit stand malapit sa Amplayo grocery Store, Poblacion, Kabacan, bago mag alas 8:00 kagabi.

Sa inisyal sa pagsisiyasat ng mga otoridad negatibo sa lamang Improvised Explosive Device o IED ang naturang bag batay na rin sa reaksiyon ng sniffing dog ng Kabacan PNP na dumating rin sa erya.