(Kabacan, North Cotabato/October 8, 2012) ---Naglikha
ng takot at tensiyon ang naiwang bag ng isang estudyante ng University of Southern
Mindanao sa USM Avenue, partikular sa ilalim ng fruit stand malapit sa Amplayo
grocery Store, Poblacion, Kabacan, bago mag alas 8:00 kagabi.
Sa inisyal sa pagsisiyasat ng mga otoridad
negatibo sa lamang Improvised Explosive Device o IED ang naturang bag batay na
rin sa reaksiyon ng sniffing dog ng Kabacan PNP na dumating rin sa erya.
Pero nagdulot ito ng bomb scare sa mga
residente na dumadaan sa USM Avenue kagabi.
Nang buksan ang laman ng kulay itim na bag,
mga extension wire at gamit sa eskwela ang nakita ditto.
Sa panayam ng DXVL News sa may ari ng
nasabing bag na si Mark John Padernal, BS Civil engineering student ng USM, di
umano niya namalayana na nahulog ang naturang bag buhat sa sinasakyan nitong
tricycle.
Dahilan kung bakit napagkamalan itong may
lamang bomba dahil sa di pinapansin ang naturang bag ilang oras na ang
nakalilipas.
Sa ngayon naibalik na sa may ari ang naturang
bag. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento