Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Registration sa Kabacan Comelec muling nag-resume matapos ang 5 araw na filing ng COC ng mga kandidato; 3 naitalang kakandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ October 9, 2012) ---Bukas na muli simula kahapon ang Kabacan Commission on Election Office para sa mga nagpapatalang mga botante ng bayan.

Ayon kay Acting Election Officer Gideon Falcis, pansamantalang sinuspende ang nasabing registration para bigyan ng daan ang limang araw na filing ng mga certificate of candidacy ng mga kakandidato sa iba’t-ibang lokal na posisyon.

Tatlo ang nag-file ng CoC para tumakbong pagka-Mayor ng Kabacan: Jabib Guiabar sa ilalim ng PMP Political Party, Herlo Guzman-Independent at ang incumbent Mayor George Tan sa ilalim ng Liberal Party.

Dalawa naman ang tumakbong bise-alkalde ito ay sa katauhan nina incumbent vice Mayor Policronio Dulay at Datumaido Sultan.

Samantala, abot naman sa 23 ang mga nag file ng kanilang COC sa pagka konsehal ng bayan kasama na dito ang mga re-electionist: Akmad Zacalia; Apuhin Edmundo; Balayan Haron; Bigsang Ernesto Sr.; Candaganan Ben; Cumatog Lintato; Dapun Rolly; Del Rosario Angelito; Dela Cruz Laudencio Sr.; Guzman Herlo; Lapar Vicky; Macalipat Datuan; Mamaluba Rhosman; Manampan Zacarias; Mantawil Datu Masla; Manuel George; Mokasim Jimmy; Peralta Antonio; Piang Inso; Quilban Ayesha; Saldivar Reyman; Tabara Jonathan at Tan Glendale. (Rhoderick Beñez)    

0 comments:

Mag-post ng isang Komento