(Midsayap, North
Cotabato/October 12, 2012) ---Nanumpa kamakailan ang bagong halal na mga
opisyales ng Council of Tribal Elders sa Barangay Salunayan, Midsayap, North
Cotabato.
Ang confirmation of
officers ay pinangunahan ni Midsayap Mayor Manuel Rabara sa harap ng mga katutubo
at opisyal ng barangay na dumalo sa nabanggit na programa.
Sinabi ni Timuey
Jaime Mangcawil Sr. na siyang tribal chieftain sa lugar, sinisikap ng mga Lumad
na palakasin ang kanilang grupo upang maging kabahagi sa pagsusulong ng
kaunlaran at kapayapaan.
Ayon naman kay Vicky
Cantoy na siyang kinatawan ni North Cotabato 1st Distrit Cong. Jesus
Sacdalan, mainam umano na matatag ang isang asosasyon o grupo upang madaling
makahingi ng kaukulang tulong sa gobyerno at iba pang pribadong organisasyon.
Dagdag ni Cantoy,
suportado umano ng tanggapan ng kongresista ang anumang inisyatibo ng mga Lumad
sa lugar.
Nabatid na kabilang
sa mga katutubong naninirahan ngayon sa Barangay Salunayan ay ang mga tribung Manobo,
Teduray, Kamayo, at Mandaya.
Dumalo
din sa programa si Timuey Lito Palma na siyang chairperson ng Council of Elders
dito sa lalawigan. (Rhoderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento