Magsasampa
ng ikalawang petisyon ang National Union of Journalist of the Philippines o
NUJP kontra sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act.
Nagsagawa
ng press conference ang NUJP sa College of Arts and Sciences Lobby sa
University of the Philippines o UP Manila, alas otso y medya ng umaga kahapon.
Matapos
ang presscon ay nanguna ang samahan sa isang kilos protesta sa harap ng Korte
Suprema.
Kasama
ng NUJP sa aktibidad ang iba pang mga grupo na nagsampa din ng petisyon sa
Supreme Court.
Nanguna
dito ang Philippine Internet Freedom Alliance.
Layon
ng rally na ipakita ang pagkakaisa ng mga kontra sa batas.
Sigaw
nila, ibasura ang cybercrime law dahil ito raw ay ‘unconstitutional’.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento