(Kidapawan
city/ October 10, 2012) ---Makikiisa na rin ang Department of Interior and
Local Government o DILG North Cotabato sa nakatakdang Broadcastreeing tree
planting activity sa darating na Oct. 13.
Ayon
kay DILG provincial District 2 cluster head Luz Aliponga, ito ay upang mapalakas
pa ang partisipasyon ng DILG sa naturang aktibidad na naglalayong palakasin ang
kampanya ng pamahalaan laban sa global warning at climate change.
Sa
final stage ng meeting ng KBPs sa Kidapawan Chapter at DILG Kidapawan
Operations Office na dinaluhan ni Aliponga, ipinahayag nito na suportado ng
provincial level ang kanilang opisina sa Kidapawan at tulong-tulong sila para
matiyak na magiging matagumpay ang aktibidad.
Tiniyak
naman ng City Environment and Natural Resources o CENRO Kidapawan na matatamnan
na abot sa 700 na hills ng mahogany trees at iba pang endemic o natural trees
ang nursery site ng local government ng Kidapawan sa Barangay Onica, Kidapawan
City.
Ang
broadcastreeing tree planting activity ay nilagdaan ng yumaong DILG Sec. Jesse
Robredo sa pamamagitan ng DILG memorandum circular no. 2012-132 na itinuturing
na isang legacy ng opisyal.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento