Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mister nirereklamo ni Misis dahil sa pambubugbog sa kanya

(Kabacan, North Cotabato/ October 9, 2012) ---Dumulog sa himpilan ng Kabacan PNP kahapon ng hapon ang isang Misis makaraang inireklamo nito ang kanyang Mister dahil sa pananakit sa kanya.


Mangiyak-ngiyak na dumating ang ginang sa istasyon ng pulisya na itinago lang sa Pangalang “Lalai”, 34 residente ng Purok Kapayapaan, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ayon sa ginang hindi na umano niya makayanan ang ginagawa sa kanya ng kanyang mister na may initial n JV, 38, matadero bukod sa binubogbog siya, binubulyawan pa umano siya ng masasamang salita.

Kung noon ay kinakaya lamang ni Lalai ang pananakit sa kanya ng kanyang sariling mister ngayon sobra na umano ang ginagawang pagmaltrato sa kanya, ito dahil sa tuwing lasing ang suspek ay sinsaktan siya.

Selos ang isa sa mga dahilan kung bakit umano siya sinasaktan ng kanyang mister, ayon sa biktima sa panayam sa kanya ng DXVL Radyo ng Bayan.

Sa ngayon nais ipakulong ni misis ang mister para tumino at posibleng kakaharapin nito ang kasong paglabag sa RA 9262 o Violation against Women and Children o VAWC. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento