Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkakalason ng 100 katao sa kinaing patel sa Makilala, North cotabato; hindi sinadya ---ayon sa mataas na opisyal ng bayan

(Makilala, North Cotabato/ October 12, 2012) ---Pinabulaanan ng mataas na opisyal ng Makilala, North Cotabato ang akusasyong diumano’y sinadya nila ang nangyaring food poisoning sa 100 katao na partisipante ng fun run activity noong Miyerkules kasabay ng ika-58 foundation anniversary ng bayan.


Ayon kay Makilala Municipal administrator Boy Villavicencio aksidente umano ang nangyari at wala itong intensiyon na guluhin ang nasabing fun run.

Aniya, apat na mga malalaking catering services sa Kidapawan city ang kanilang kinontrata ditto, pero sa kabila ng pahayag nito na ang nasabing pagkakalason ng mga biktima ay hindi sinadya, malaki ang paniniwala ng opisyal na lalabas ang buong katotohanan sa full scale investigation nila.

Di pa rin batid ng opisyal kung anu ang dahilan ng food poisoning dahil patuloy pa nila itong pinaiimbestigahan.

Ayon sa report, lahat ng mga biktima ay kumain ng patel, kanin na may toppings ng nilagang itlog at ginilang na adobong manok at ibinalot sa dahon ng saging, na isa sa mga highlight ng 2nd Sinabadan Festival.

Ang salitang Sinabadan ay isang Bagobo term na ang ibigsabihin ay ‘feast” at “thanksgiving”.

Sa isang daang mga biktima ng food poisoning, 91 dito ang nananatili pa ngayon sa iba’t-ibang mga ospital sa bayan ng Makilala at Kidapawan City, ito ayon kay Makilala Mayor Rudy Caoagdan.

39 na mga pasyente ang ginagamot sa Makilala Medical Specialist Hospital; 18 sa  Kidapawan Doctors Hospital, Inc.; 33 sa Kidapawan Medical Specialist Center; at isa sa Midway Hospital. 

Ang mga pasyente ay nakakaranas ng pananakit ng ulo, tiyan at pagtatae.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento