(Kidapawan
City/ October 12, 2012) ---Mismong si Vice President Jejomar Binay ang nag-abot
ng parangal sa City Planning and Development Officer ng Kidapawan City bilang
gawad sa kampanya ng LGU kontra sa illegal settlers sa lungsod.
Ito ay
bilang pagkilala ng Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC
na isinagawa sa SMX Concention Center sa SM Mall of Asia sa Pasay City.
Ang
Kidapawan City LGU ay nanalo bilang LGU Best Practices Award for 2012 for its
Campaign against Professional Squatters and Squatting Syndicates.
Ayon pa
sa HUDCC ang hakbang ng Kidapawan City ay dapat tularan ng iba pang mga lokal
na pamahalaan sa lalawigan.
Ipinagmalaki
naman ni Fuentes ang paglikha ng City LGU ng local committee against aquatting
syndicates and professional squatters; pagbuo ng Task Force on Relocation and
Resettlement at maging ng Housing and Resettlement Code of Kidapawan.
Kaugnay
nito, higit sa tatlong daang mga residente sa lungsod ang nakikinabang ngayon
sa Relocation Site sa may Barangay Sudapin.
Kasama
na rin dito ang Gawad Kalinga Christian and muslim Villages.
Ayon sa report,
habang minamaneho ni Ferrarin ang kanyang Honda XRM 110, may plakang IT 9691
aksidente itong sumalpok sa isang Toyota HiAce Van na may plakang MVW 244 na
minamaneho naman ni Junedard Buay, 25, residente ng Poblacion sa lungsod.
Dahil sa pangyayari,
nagtamo ng sugat at galos si Ferrarin sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan
at agad namang isinugod sa bahay pagamutan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento