Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Opisyal ng PRO 12, pinasinungalingan ang akusasyong nanghihingi sila ng pera sa mga negosyante at politiko


(Kidapawan City/ October 10, 2012) ---Mismong si Senior Inspector Benjamin Mauricio, spokesperson ng Police Regional Office o PRO 12 ang nagpasinungaling sa isyu’ng may inuutusan silang mga sibilyan upang mang-solicit.
      
Ayon sa mga kumakalat na reklamo, may ilang mga indibidwal daw kasi sa Kidapawan City at ilang parte ng Central Mindanao ang nanghihingi ng pera sa mga negosyante at politiko.

      
Ang mga ito ay nagpakilala umano’ng mga pulis mula sa PRO 12.
      
Ayon kay Mauricio, aniya, ipinagbabawal ng kanilang ahensya ang paghingi ng kahit na ano mula sa mga pribado’ng indibidwal.
      
Maaring mga sindikato umano ito na ginagamit lamang ang pangalan ng pulisya.
      
Panawagan niya sa taumbayan, ‘wag maniniwala at wag magbibigay ng pera sa naturang mga personahe.
      
Payo din niya sa mga residente na nabiktima nito, magsampa ng pormal na reklamo kontra sa mga manloloko.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento